ASKING FOR ADVICE
Good evening po. ? Gusto ko lamang po na humingi ng advice sa inyo dahil sa totoo lang po, hindi pa po ako totally ready sa mga mangyayari po sa akin once na nakapagpaalam na po ako sa school namin about po sa situation ko. Kasi nga po, 19 years old pa lang po ako at alam ko pong mainit ang mga mata ng mga ibang tao sa ganitong tulad ko na maaga pong nabuntis sa ganitong edad ko po. At sa tuwing lumalabas po ako sa bahay namin, nahihiya pa po ako at pilit ko pa pong itinatago yung tiyan ko para hindi lamang po mapansin kahit na 5 months na po itong tiyan ko ngayon. Alam ko naman pong mahirap itong pinasok ko na sitwasyon, at hindi po madali at alam ko din pong mahuhusgahan po ako, at tatanggapin ko naman po ito. Ano po ba ang puwede ko pong gawin para magkaroon na po ako nang lakas ng loob na harapin ang lahat ng mga ibabato po nilang panghuhusga sa akin? Marami salamat po sa maibibigay niyong advice. ?
Don't mind them. Good or bad, may mga masasabi ung ibang tao. What matters is, pinaninindigan mo ung nagawa mo. It may be early pero nandyan na si baby. It's not like, paggising mo... Biglang wala na yan. If it's hard, just keep praying. Lord loves you. 😉
Wag mong isipin sasabihin ng ibang tao di ka talaga totally magiging masaya kung parati mong iisipin sasabihin ng iba. Ienjoy mo nalang po pagbubuntis. 18yrs old lang din po ko at 5mos preggy pero never kong inisip sasabihin ng iba pake ba nila diba 😂
Okay po. Salamat. 🙂
Accept your situation, be yourself dear. Face the reality na you'll judge. But, try to lift up yourself. It doesn't define who you are. Mas maaga lang ang blessing na binigay sayo ni Lord. And for those who judged you. Prove them wrong.
I already accept my situation po. I’m just worried lang po sa mga sasabihin ng ibang tao pero dahil po sa inyong lahat, nagkaroon po ako lalo nang lakas ng loob. God bless po! 😇
Maraming taong nde nakakaunawa..let them, wla n tayong mggwa ganun n tlga sila..Instead, isipin mo lagi c baby mo..pakatatag ka lang lagi..my msabi man sila..hayaan mo lng wag mo stress sarili mo..godbless u and your baby😊
Thank you so much po! ❤️
Just ignore them , sa panahon ngayon hindi lang nmn ikaw ang nagka ganyan, ako may mga kakilala ako 15 yrs old buntis at naging nanay na, isipin mo n lng may dahilan kung bakit ibinigay ni lord yan, lagi kang magpray
Kaya nga po, ang dami na po naming mga nabuntis ng maaga pero sa mga nakikita ko po, nakayanan naman po nila, at siguro po kakayanin ko din po. Maraming salamat po. :)
palagi kang magdasal. ang judgement na nagmamatter lang is from God. dedma na sknla may gawin ka o wala ang mga tao laging may comment. focus on your well being at focus kay baby. dedma lang sa paligid hayaan mo sila.
Opo. Maraming salamat po sa inyo. ❣️
19 ka ako nga nun 16 years old lang pumapasom din sa school wala kong magagawa kundi lakasan ko lang talaga loob ko saka ano naman kung makita nila na malaki tiyan natin as long as na wala tayong tinatapakang tao.
Lakasan mo lang loob mo mamsh. wala ka namang ginagawang masama bakit ka mahihiya!
Isipin mo nlng ung baby mo.. Tas hyaan mo na ibng tao .. Dapat ipkita mong confident ka at happy kang mgkka baby kna .. Imbes na ikw ung mgmukmuk.. Hyaan mo clang mainis sa inggt dhil sa confidence mo
Opo. Thank you po. :)
Blessing si baby. Hindi mo kailangang itago. Isipin mo na lang yung mag-asawang hirap magka baby. Wag mo masyado isipin ang sasabihin ng ibang tao. Isipin mo si baby at ang sarili mo. Be stress free.
Thank you po! 😊 God bless po sa inyo and sa baby niyo po. 💓
Hayaan mo lang kung ano man isipin nila.. ang importante maalagaan mo ng maayos pinagbubuntis mo.. ang chismis lilipas din yan.. wag mo lang damdamin pag may narinig kang di ok sa kanila..
Opo. Salamat po ng marami. ❣️
20 | First time mom ❣️