ASKING FOR ADVICE
Good evening po. ? Gusto ko lamang po na humingi ng advice sa inyo dahil sa totoo lang po, hindi pa po ako totally ready sa mga mangyayari po sa akin once na nakapagpaalam na po ako sa school namin about po sa situation ko. Kasi nga po, 19 years old pa lang po ako at alam ko pong mainit ang mga mata ng mga ibang tao sa ganitong tulad ko na maaga pong nabuntis sa ganitong edad ko po. At sa tuwing lumalabas po ako sa bahay namin, nahihiya pa po ako at pilit ko pa pong itinatago yung tiyan ko para hindi lamang po mapansin kahit na 5 months na po itong tiyan ko ngayon. Alam ko naman pong mahirap itong pinasok ko na sitwasyon, at hindi po madali at alam ko din pong mahuhusgahan po ako, at tatanggapin ko naman po ito. Ano po ba ang puwede ko pong gawin para magkaroon na po ako nang lakas ng loob na harapin ang lahat ng mga ibabato po nilang panghuhusga sa akin? Marami salamat po sa maibibigay niyong advice. ?
Ignore mo lng kung anong sasabihin nila.. Ang mahalaga maalagaan mo ng maayos health mo at ni baby..iwas sa stress..hyaan mo lang sila magsasawa din yang mga yan..
Wag mo isipin sasabihin ng iba. Hinde ka magiging truly happy kung lage mong iisipin ang sasabihin ng iba. Just do what makes you happy. Your life, your choice
Wag mo na isipin ang sasabihin ng iba. Ang mahalaga healthy si baby at tsaka isang napaka gandang blessing nyan kaya walang dapat ikahiya ☺️
Opo. Thank you po. 😊
Dedmahin mulang girl .. wlaa namn silang matutulong sayo eh .. wag mo pansinin sinsabi ng ibang tao . Be proud hehe ang saya kaya magbuntis
Hehe
Wag mong intindihin mga sinasabi ng iba sayo,mas intindihin mo sarili mo at baby mo. Maistress ka lang nyan pag pinansin mo pa sila.
wag m sila pansinin. be proud.. kc ikaw d mo naisipang ipaglaglag anak mo.. hndi katulad ng iba jan.. laban lng mommy kaya m yan
Just be yourself! Its a blessing. Ako 7mons preggy na pero patuloy parin pumapasok sa school 😊
Halata yung tummy ko. Alam na rin ng buong school na buntis ako and pinayagan naman ako ng school since graduating student ako 😊
Accept it first sis. Pag sa sarili mo natanggap mo na,madali na lang na tanggapin ng iba.
Opo, thank you po talaga. 🙂
Kung pinanindigan ka nmn ng nkbuntis sayo walang dpat ikahiya. 👍
Pinanindigan naman po talaga ako ng boyfriend ko. Ang iniisip ko lang po talaga yung sasabihin ng mga ibang tao. Pero thank you po. :)
isipin mo nalang po baby mo , sakanya ka nalang humugot ng lkas
Thank you po. :)
20 | First time mom ❣️