Words of encouragement/motivation…Magsishare lang…sino ang may same experience?

Good evening, mommies. May isishare lng sana ako para maihinga lng ang sama ng loob. And baka may advices din kayo na makakatulong. Thank you in advance. 2 lng kming mgkapatid at parehong malapit sa magulang. 31 weeks pregnant ako. Maselan po ang pagbubuntis ko kaya pinagleave ako ng asawa ko sa trabaho. Nagdecide kaming magstay dito sa parents ko habang di pa kmi nakakalipat ng asawa ko sa kinuha naming bahay sa isang subdivision para nga maasikaso ako ng nanay ko. Sympre mga mommies iba talaga ang may nanay sa tabi. Todo kayod ang asawa ko dahil nga may mga gamot ako na kailangang inumin. Nasasaktan lng ako mnsan dahil ilang beses nang ikinukumpara ng nanay ko ang pregnancy journey ko sa iba. 🥹 At first iniintindi ko talaga sabay pagpapaliwanag pero nauulit pa rin. Sasabihin nyang sya dati nagtatrabaho pa nga di naman nagkaganito. Kesyo si ganito or ang anak ni gnyan maayos nman ang pagbubuntis. Sasabihin nya sakin na magrelax ako at wag pastress sa tuwing naiiyak ako sa mga sinasabi nya pero di nya magets na dahil sa pinagsasasabi nya kaya ako naiistress. Mapamahiin din sya. Mapaniwala sa superstitious beliefs. Ako ganun din naman dahil kinalakihan pero pili lng. Like dun ako naniniwala sa may sense kumbaga. Nasaktan ulit ako kasi idinulog nya dw ako sa manggagamot kasi sabi nya may kakaiba dw talagang nangyayari sakin. Ipinipilit nyang may gumagawa sakin ng masama kaya ganito nangyayari sakin. Sabi nya nag aalala sya sa amin ng asawa ko lalo na sakin pero minemention nya na parang katulong na raw sila ng tatay ko sa bahay dahil sa araw-araw na lng sila ang gumagawa ng lahat. Simula pagkadalaga hanggang ngayon di ko tinatalikuran mga magulang ko. Pati sa pagsupport sa kanila, hanggang sa makakaya ibinibigay ko pati ng asawa ko na understanding din. Nakakalungkot lng ang mindset na meron ang nanay ko. 🥹 ipinagpepray ko na lng ang lahat.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako naman lagi kami nagkakontahan ng nanay ko habang buntis ako sa first baby ko, lagi syang may nasasabi na nakakapagpasakit ng loob ko, though mahal ko siya at mahal niya ako kaso lagi siyang may ipinagbabawal na sabi ng ob ok lang naman, at nung nagpaalam kami na uuwi muna sa mother in law ko sinabihan niya ako na huwag ng babalik sa amin at na huwag kong ipakita ang anak ko sa kanya, sobrang nasaktan ako non sa sinabi niya sa akin. Alam niyang buntis ako tapos ganon pa.siya sa akin. Tapos nung nakunan ako, sinisi pa niya ako, kaya daw ako nakunan dahil kasalanan ko diko na lang sinabi sa asawa ko. Kaya sa second pregnancy ko, noong need ko magbed rest mas pinili ko sa mother in law ko kasi ayoko.mastress sa kung ano man ang sasabihin ng nanay ko at sa kapatid ko. Now ok naman kami. Video call na lang muna.

Magbasa pa