Kapatid na selosa
Di ko alam pero selos na selos ate ko sakin. Lalo kapag inaasikaso at inaalagaan ako Ng nanay ko sa panahon na kaselanan ng pagbubuntis ko. Puro sya parinig na ako raw ay paborito at Mahal na Mahal na anak. Hinahayaan ko lng noon dahil may asawa nmn akong responsable at maalaga na nasa tabi ko at lahat Ng needs ko inaasikaso nya. Pero syempre there will be a time na pagod kqmi parehas at at hinahanap ko presensya ng nanay ko na madaingan ko rin sa mga nararamdaman ko sa pagbubuntis. Pero everytime na gingawa kong lumapit sa nanay ko, at shineshare experiences ko nakikita ko syang umiismid. Minsan nagkaroon kami misunderstanding ni hubby at di kami nagkikibuan noon dala na rin marahil ng hormones ko. Syempre nabulabog ang buong bahay dahil di kami nagkikibuan at sa baba ako natutulog. Mga magulang ko triggered na sa di pagkikibuan namin, buntis pa ako kaya inaayos nila. Kapag kinakausap ako Ng nanay, may side comment na naman ang ate na lalong nakadaragdag sa sama ng loob ko. Tapos kakanta kanta lng sya nq parang walang nangyayari. Sinabihan pa nya ang hubby ko na iwan na raw ako para magtanda ako. Btw ang bahay nmin ay second floor at nasa taas kami ni hubby, nakabukod kami at may sariling bills. Parehas din kaming may asawa at bagong kasal lamang. Dec ako kinasal at sya nmn ay January. Naninirahan nmn sila sa baba kasama parents namin at mga pamangkin. Kapag nagluluto ang nanay at tinatabihan ako ng ulam asar na asar sya. Samantalang wala nmn gingwa sa bahay silang 2 ng asawa nya, maghapon nanonood tsk lng lalabas ng kwarto kapag kakain na. Bago sya ikasal naoperahan sya bato kaya marami silang utang, pero wala silang trabaho. Ung asawa nya di makatagal sa trabaho. Absnt ng absent hanggang sa mawalan nnmn ng trabaho. 3 days lng di na papasok. Kaya nmn sabi ko sa nanay hayaan nlang at baka stress din ate ko. Wag na ako tabihan o kya wag na sya aakyat sa taas at baka Makita sya na hinatiran ako magsisintemyento na naman. Nagluluto nmn kami ng sarili namin ni hubby at nagbibigay ng ulam sa baba pag wala sila ulam. Mga mamsh nakakapagod. Nakakastress. Parinig dito, parinig dyan, ismid dito, ismid dyan. Kung sino pa kadugo mo sya pang inggetera at selosa sayo. Ung kailangan kong masasandalan sana na pamilya ko naging estranghero. Malapit na ako manganak. Sa trabaho stress. Sa pamilya stress. Nawa di maapektuhan baby kpag tumataas ang emosyon ko. Mahaba pero salamat sa pagbabasa.