50 Replies

sa totoo lang gusto kong morena. Kapag maputi ka sasabihan ka ng iba na "Maputi lang naman hindi maganda". Dpaat ang parents ang unang nagtuturo sa mga anak na kahit anong hitsura at kulay nila it doesnt matter. Basta mabuti silang tao. Kung ang parents palang hnd confident sa anak nila how much more ang anak? Mawawalan sila ng self confidence just bcos hnd sila maputi or maganda. Ate ko kayumanggi,ako maputi at bunso namin maputi pero umitim kakagala pero hnd naman naging issue samin un. Kaya nagiging judgemental ang mga tao kasi ikaw mismo sa sarili mo hnd mo na tanggap kung ano ka.

Just look at Richard Gomez and Lucy Torres. Sa sobrang puti ni Lucy kay Richard talaga nagmana yung anak nila. Morena. Pero magandang bata naman. Wala namang mali sa kayumanggi. Yan ang dapat mong ituro sa anak mo, ang wag maging superficial. Love your skin. Pero ikaw pa din naman bahala kung gusto mo imulat ang anak mo sa gandang tisay, it's your choice, who are we to judge. Yung sakin lang naman is friendly advice. Less stress ka kase mommy kung dika masyado mag woworry about sa color ni baby.

Kumain ka nalang ng healthy momsh at overall health ng baby ang gawin mong main concern for now. :) Hayaan mong magdevelop naturally yung color ng baby mo, kung morena man sya, she can use whitening products pag nasa right age na sya. You can't do anything sa skin color ni baby while she's growing sa womb mo or kung napanganak mo na, wag mo muna applyan ng kahit ano ano kasi masyado pang bata. Spare her from the beauty standards muna. :) Be healthy nalang.

Sis nagbabago naman po ang kulay nyan paglaki wag mo nlng dn ipressure sarili mo tungkol sa kulay ng anak mo..maganda pdin ang pagiging morena o kayumanggi minsan kase ang maputi pag umitim di bagay o ang panget tingnan mainam pdin na morena muna hanggang sa pumuti.. saka mainam pa rin na tanggapin at mahalin nyo po ang kulay ng anak nyo ano pa man sya

Love your child kahit ano pa man maging skin color nya kasi galing siya sayo at sa asawa mo. Ngayon pa lang parang gusto mo na siyang baguhin, baka paglaki nya she can't be the person the way she wants kasi pag may nakikita na hindi mo gusto babaguhin mo. Ang importante your child is healthy and happy.

Unang-una sa lahat I'm not seeing anything wrong with this question. E sa gusto nya yan e. Issue nyo. Anyway there's nothing you can do or eat para pumuti anak mo. Kung mas malakas dugo mo then malamang maputi baby mo. Ganyan kapitbahay ko maputi nanay maitim ang tatay. Ayun maputi ang baby.

VIP Member

Hi momsh. Bakit ganyan? May problema kayo sa kulay? Be happy kahit anong kulay ng anak niyo.. Bata pa lang ganyan ka na.. parang tinuturuan mo ang anak mo na wag makuntento kung anong meron siya. Wala lang. Just saying. ✌

Agree ako dito.🤗Baka mamaya anak mo kuntento na sa kung anong meron sya tapos ikaw tong madaming problema. Ang mahalaga healthy mabait na bata wag masyadong maging attractive sa panlabas. Unang una dapat turuan mo anak mo na makuntento sa kung anong meron sya.🙏

Mommy, try this po. Basain niyo po ng breastmilk niyo ang isang bulak then ipanghilamos kay baby. Baby kupo nung lumabas maitim din pero yung face lng po niya, parehas naman po kaming maputi ng husband ko. Hinilamusan kopo siya ng bm ko, ngayon pumuputi napo siya. ☺

TapFluencer

Ako mejo maputi, pati asawa ko, mejo ngmoreno lang kasi nabibilad sa araw, yung panganay namin moreno ang kulay, pero dalawa kong anak mejo maputi, since galing sila.samin, mga anak namin sila, mahal namin sila, it doesnt matter, bawi naman sa itsura.. be proud dapat..

Nasa tiyan pa lang baby mo may beauty preference ka na para sa kanya. Kawawa naman yung bata kung pag labas di ma meet expectations mo. Tanggapin mo kung ano kulay meron siya pagkalabas. Ang ganda ng kulay moreno/morena. Wag ganyan po.

True. Kahit anong kulay pa niyan paglabas niya dapat maging proud siya

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles