Bagong panganak

Good evening. Ask ko lang po kung ano pong ginawa niyong pag aalaga lalo na po sa private part niyo after niyo pong manganak. Ang ginagawa ko lang po kase is very time na iihi po ako ay maligamgam lang po na tubig ang pinangbabanlaw ko at nagsusuot po ako ng napkin para po doon sa dugo na nalabas. Dagdag lang din po na katanungan normal lang po ba na sumakit ang dibdib pagtapos manganak, parang mas bumigat po kase siya at medyo matigas. Kakapanganak ko lang po netong Aug. 18, 8 months po si baby nung lumabas. At sa kasamaang palad po, di po siya naka survive. Unang anak ko rin po siya kaya medyo di ko rin po alam ang gagawin. Sana po ay may makasagot. Salamat po. #advicepls

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Condolences momsh. Babalik din sayo si baby, in God's perfect timing 🥰 Regarding sa pag aalaga sa private part, tama po yung ginagawa niyong warm water and maganda po kung ginagamit niyo po pang wash is Betadine Fem Wash or Safeguard white. Pinapausukan ko rin po ng pinakuluang dahon ng bayabas especially if may tahi para macompletely heal hanggang loob. Sa dibdib naman momsh, normal siya sa bagong panganak since may gatas po yan. Masakit at titigas po talaga. I warm compress niyo lang po.

Magbasa pa

Condolence po Mamsh. 😔 Saakin po, kabilin bilinan ni OB na wag maligamgam na water ang ipang hugas, dapat tap water lang po and betadine feminine wash. Wag pong lalagyan ng kahit na ano ang private area natin bukod lang sa betadine feminine wash. Washing should be done twice a day. Bawat trip sa cr mamsh dapat nahuhugasan amg private area to avoid infection.

Magbasa pa

condolence sis, Babalik si baby sa tamang panahon. Ako nun momsh maligamgam na tubig din ang ginagamit ko panghugas. then umaga at gabi warm water at betadine pra iwas infection. normal mommy na titigas ang boobs mo since kapangnak mo palang, i warm compress mo nalang pra lumabas ung milk.

2y ago

oo mii ako 2weeks lang di na ganon kasakit. tska bilin ng oby sken normal water lang dahil pag maligamgam may tendency na mauna matunaw ung tahi . kahit na d pa ganon ka hilom ung sugat condolence mii paka tatag ka ♥️

VIP Member

ang ginawa ko naglalaga ako ng dahon ng bayabas tas yun ang pinanghuhugas ko kc madali lang maghilom yung sugat. kakapanganak ko lang din nung august 19 kc nawalan ng heart beat yung baby ko at 30weeks bali 7months sya nun...

2y ago

if u don't mind Po mamsh Anong nangyari bakit nawalan Ng heartbeat Si baby? tia.

VIP Member

nakaka lungkot nman :( ako din last yr 8 mons lang c baby nung nilabas ko sya, 2.13 grm lng timbang nia awa ng Diyos 1 yr 4 days na sya ngyon at malusog na baby boy.. condolence sis, laban lang

TapFluencer

no to maligamgam mi. cold water lang gamit ko nun sakin pero maaga naputol ang surgical threads sa tahi ko. kaya need talaga i-maintain na cool down there para mabilis mag-heal.

45 days na simula nung nanganak ako. Nakakalakad at kakaupo nako ng maayus kaso minsan may nararamdaman parin akong kirot sa ngayon sa may bandang pwdet pamaninsan2.

condolences po. ginawa ko po sakin yung maternity pads po nilalagyan ko onting alcohol at betadine tas palit po ako 2x or 3x sa isang araw

VIP Member

mag pump ka nlng sis kasi pag di mklabas milk mo ,sakit tlga ng dede mo nian, i pump mo pra di ka mhirapan kasi sobramg skit nian

VIP Member

lagyan mo alcohol pnty mo sis tas yun mismong sugat lgyan mo betadine. mas mbilis ggling yan