Bagong panganak

Good evening. Ask ko lang po kung ano pong ginawa niyong pag aalaga lalo na po sa private part niyo after niyo pong manganak. Ang ginagawa ko lang po kase is very time na iihi po ako ay maligamgam lang po na tubig ang pinangbabanlaw ko at nagsusuot po ako ng napkin para po doon sa dugo na nalabas. Dagdag lang din po na katanungan normal lang po ba na sumakit ang dibdib pagtapos manganak, parang mas bumigat po kase siya at medyo matigas. Kakapanganak ko lang po netong Aug. 18, 8 months po si baby nung lumabas. At sa kasamaang palad po, di po siya naka survive. Unang anak ko rin po siya kaya medyo di ko rin po alam ang gagawin. Sana po ay may makasagot. Salamat po. #advicepls

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

condolence sis, Babalik si baby sa tamang panahon. Ako nun momsh maligamgam na tubig din ang ginagamit ko panghugas. then umaga at gabi warm water at betadine pra iwas infection. normal mommy na titigas ang boobs mo since kapangnak mo palang, i warm compress mo nalang pra lumabas ung milk.

3y ago

oo mii ako 2weeks lang di na ganon kasakit. tska bilin ng oby sken normal water lang dahil pag maligamgam may tendency na mauna matunaw ung tahi . kahit na d pa ganon ka hilom ung sugat condolence mii paka tatag ka ♥️