Bagong panganak

Good evening. Ask ko lang po kung ano pong ginawa niyong pag aalaga lalo na po sa private part niyo after niyo pong manganak. Ang ginagawa ko lang po kase is very time na iihi po ako ay maligamgam lang po na tubig ang pinangbabanlaw ko at nagsusuot po ako ng napkin para po doon sa dugo na nalabas. Dagdag lang din po na katanungan normal lang po ba na sumakit ang dibdib pagtapos manganak, parang mas bumigat po kase siya at medyo matigas. Kakapanganak ko lang po netong Aug. 18, 8 months po si baby nung lumabas. At sa kasamaang palad po, di po siya naka survive. Unang anak ko rin po siya kaya medyo di ko rin po alam ang gagawin. Sana po ay may makasagot. Salamat po. #advicepls

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Condolence po Mamsh. 😔 Saakin po, kabilin bilinan ni OB na wag maligamgam na water ang ipang hugas, dapat tap water lang po and betadine feminine wash. Wag pong lalagyan ng kahit na ano ang private area natin bukod lang sa betadine feminine wash. Washing should be done twice a day. Bawat trip sa cr mamsh dapat nahuhugasan amg private area to avoid infection.

Magbasa pa