Bagong panganak

Good evening. Ask ko lang po kung ano pong ginawa niyong pag aalaga lalo na po sa private part niyo after niyo pong manganak. Ang ginagawa ko lang po kase is very time na iihi po ako ay maligamgam lang po na tubig ang pinangbabanlaw ko at nagsusuot po ako ng napkin para po doon sa dugo na nalabas. Dagdag lang din po na katanungan normal lang po ba na sumakit ang dibdib pagtapos manganak, parang mas bumigat po kase siya at medyo matigas. Kakapanganak ko lang po netong Aug. 18, 8 months po si baby nung lumabas. At sa kasamaang palad po, di po siya naka survive. Unang anak ko rin po siya kaya medyo di ko rin po alam ang gagawin. Sana po ay may makasagot. Salamat po. #advicepls

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Condolences momsh. Babalik din sayo si baby, in God's perfect timing 🥰 Regarding sa pag aalaga sa private part, tama po yung ginagawa niyong warm water and maganda po kung ginagamit niyo po pang wash is Betadine Fem Wash or Safeguard white. Pinapausukan ko rin po ng pinakuluang dahon ng bayabas especially if may tahi para macompletely heal hanggang loob. Sa dibdib naman momsh, normal siya sa bagong panganak since may gatas po yan. Masakit at titigas po talaga. I warm compress niyo lang po.

Magbasa pa