7 Replies
Sa akin po nagtanong-tanong muna ako sa mga friends & relatives ko ng mga experience nila sa mga OB nila. Yung kinonsider ko po talaga is malapit lang ang clinic, approachable, nagrerespond sa mga questions any time of the day at affiliated both sa public at private hospital. Bonus na siguro if may sariling ultrasound machine sa clinic para kada check up is makikita mo si baby. Pero yung sa OB ko kasi wala hehe, pero may mga OB po na ganun.
Ako, ang pinili ko is OB na may clinic sa hospital na pinakamalapit samin para kung sakaling may emergency. Then, kung ano ang aura nya & paano ang approach nung unang checkup ko. Mararamdaman mo to if palagay/magaan ang loob mo, masasagot ang mga tanong mo ng maayos, yung mararamdaman mo na may care talaga. Basta maffeel mo to pagkalabas mo ng clinic. Tapos, masasabi mong 'siya na ang OB ko!' haha
sa case ko hinanap ko HMO coverage, and then yung san siya clinic, since nung mag 8mos me plan na umuwi kami sa inlaws at dun mag stay til manganak. then on first visit, gauge kung sinasagot nya ba maayos questions ko, open anytime to contact (viber), maayus ba mag explain ng anu dapat gawin, bakit di pwede gawin ito, etc. and kung open sa natural birth plan and stuff.
Pumili muna ako ng hospital na maganda ang service, tapos naghanap ako ng doctor na covered ng HMO ko. Tapos pinakiramdaman ko muna kung palagay loob ko sa kanya. So far ok naman so tinuloy tuloy ko kay OB gang manganak. I think pinakaimportante yung palagay ang loob mo sa kanya and matatanungan mo ng concerns
Hi Mii, para sakin, piliin mo yung maaalagaan ka talaga saka mafeel mo na concern talaga sayo. Mabait, approachable especially kapag may mga questions ka regarding your preggy journey, tapos very important yung reachable kahit anong oras pa yan para sa mga emergency cases.
andun ung concern talaga Sayo, at willingness na ihelp ka na mgnormal. lagi ngaadvise Sayo Ng mga dapat gawin . mararamdaman mo din Naman if okay ung OB at feeling safe ka magpaanak sakanya. ako kasi OB ngpaanak sakin lying in clinic
Ako tinitignan ko sa itsura, malapit na clinic and experience.
Des