Bad mouthing my family
Good eve mga momshies ask ko lang if ano opinyo niyo kasi yung mga in laws ko kung ano anong masasakit na salita na yung nasasabi nila sa pamilya ko lalo na sa mama ko waa na kasi akong papa kaya mama ko na lang tsaka mga kapatid ko kasama ko sa bahay so yun nga nung una medyo ok pa yung sinasabi nila kasi alam ko nag aalala lang sila sakin dati gawa 6 months pregnant na ko ako pa din yung naglalaba ng mga damit namin nung nasa bahay namin pa ko nakatira pero ngayon nasa in laws ko na ko nakatira tsaka yung mama ko kasi that time may trabaho pa tapos puro lalake yung mga kapatid ko na kasama ko natitira sa bahay wala no choice kung hindi ako yung magasikasong maglinis sa bahay kaya yung mga in laws ko may nasasabing di maganda lalo na sa mama ko lalo pang lumala ngayon na nakapanganak na ko tapos halos lahat sila yung gumastos sa bill namin sa ospital ni baby masyado din kasing malaking yung nagastos namin gawa cs tapos private hospital pa tapos sila din yung gumagastos ngayon sa mga kailangan ni baby. 1 month na baby ko tapos yung mama ko di pa ulit nakikita baby ko after namin makalabas ng ospital kaya nabakasakali mama ko if pede daw ba kaming makauwi ni baby sa bahay namin kahit 1 week lang kaso nga lang may ecq pa tapos sabi ng daddy ng husband ko sakaniya "para silang mga sira bakit sila ba magbabayad pag nagkasakit yang apo ko" wala din kasing nabigay or naabot mama ko para makabawas man lang sa bill namin ni baby pero kasi nasasaktan pa din ako kasi pamilya ko pa din yung sinasabihan nila ng mga ganung mga masasakit na salita tapos parang pinapamukha nila na mahirap lang kami kaya walang matutulong pamilya ko if ever magkasakit si baby. Tipong kinikimkim at iniiyak ko na lang yung sama ng loob ko kasi di ko naman kayang magsumbong sa mama ko kasi baka mag away lang sila ng in laws ko. Ano po gagawin ko? Baka sa susunod na makarinig pa ko ng di magandang salita na sabihin nila about sa pamilya ko e lumayas na lang ako dito bigla ng di man lang nagsasabi sakanila or worse di ko na ipakita sa kanila yung anak ko.