Pagkukumpara ng baby- stressful inlaws

Good day mga momshies, I hope walang nega dito. I am suffering Major Depressive Disorder prior sa panganganak ko. Might having PPD na din siguro. ☹️ Sino po kaya nakakarelate dito? May baby turned 8 months today. Naiistress at naiiyak na lang ako lagi tuwing sasabihan sya ng ibang tao lalo na ng family ng asawa ko. "Ano ba yan, wala ka pang alam 8 buwan ka na" "Si ganito,ganyan ganyang edad ang dami ng alam" "Di ka pa rin marunong umupo tska gumapang" " yung bata dyan sa kabila ang daldal na, tska tumatayo na db mas matanda yan kesa dun" "ano ba yan close open lang alam" " ang lambot lambot mo namang bata ka" "yung anak ni ganito ang taba-taba tska tulog lang ng tulog" at marami pang iba..... Na para sa isang ina lalo na first time mom ang sakit. Breastfeed po ako. Ayoko madaliin yung baby ko dahil kinukumpara sya sa iba. Hinahayaan ko lang yung tamang time nya. Nakakadapa sya nagtatry sya gumapang kaso paatras. Natutukod nya yung tuhod nya tuwing nakadapa sya. Kaso pagnahihirapan umiiyak na sya. Nakakastress din kasi yung maririnig mo na "kinukuha nyo kasi agad pagumiyak hayaan nyo sya umiyak para matuto" e natrauma na ako sa kanila nung iyak ng iyak yung baby ko na di mawari nagsalita pa sila na "di man lang nila mapatahan yung anak nila, nagtitinginan lang sila" e sa totoo lang nagsasalit-salitan kaming mag-asawa pag umiiyak si baby na di agad mapatahan. Oo siguro may mga pagkakamali o pagkukulang ako. Pero dapat ba perpekto na agad? May perpekto bang ina na dapat perpekto nagagawa lahat? Naiiyak ako tuwing gabi. Kahit asawa ko di ako maintindihan, napakababaw daw. Sila kasi mahilig magsabi ng nega sa ibang tao pero pag sila sinabihan magagalit. Ayaw kong kinukumpara yung anak ko sa iba dahil magkaiba sila. Parang di nila apo,pamangkin o kamag-anak yung anak kung tratuhin nila. Hindi ko daw hinihilot paa at hita ng anak ko sa umaga. Pati daw yung ilong kaya pango na. ginagawa ko naman yun ayaw ko na lang sumagot out of respect. Sinasabi ko sa asawa ko pero wag ko na lang daw damdamin. Pero may pakiramdam kasi ako. Nasasaktan ako para sa bata na walang muang sa mga sinasabi ng mga tao sa paligid nya. Hindi kasi ganito pagpapalaki ng magulang ko sa akin kaya di ako sanay sa mga ganito. Oo mahal nila, pero mas marami pa yung puna kesa sa lambing. Buti pa yung mga pamangkin dito ng asawa ko di ko man lang naringgan ng ganun nung mga baby pa. Ngayon kasi walang-wala kami dahil nawalan ng work asawa ko dahil sa pandemic nagtitinda sya ng isda. Ako wala ng work nung buntis ako dahil maselas kundisyon ko at doon nagsimula yung mdd ko. Sa mga magsasabing dapat bumukod kami pagnakaluwag na kami lalo ngayon pandemic ang hirap. Pero pagmay pera o nabibigay ako sa kanila wala ako naririnig o puna sa anak ko. Yung kalahati ng nakuha ko sa sss sa kanila napunta pero ngayon who you na naman ako. Oo mababait sila. Maatittude lang. Mga feeling mayaman kahit wala. Magkapera ngayon one day millionaire kahit bukas nganga basta bongga ngayon. Pinipilit pa nilang magabroad ako yung asawa ko. Naiintindihan ko yung point na para sa pamilya namin pero kilala ko sila e. Para may makuha din sila. Araw-araw akong naiistress sa mga naririnig ko. Ayaw ko na lang kumibo pero di ko alam kung hanggang saan lang ako. Sino po relate? Sana maging friends po tayo.#1stimemom #firstbaby

1 Replies

VIP Member

Hi mommy! Bilang wala pa din sariling bahay at nakikitira lang din sa ngayon.. ang masasabi ko lang.. di talaga maiiwasan yang laging may mga nasasabi at mga pagcocompare. Nung asa kabila kame sa side ni hubby.. ganyan din yung tita ni hubby ko.. sasabihin nya “yung anak ni ganto andame ng alam sabihin, nakakapagpapa at mama na” etc etc. Nakakasama talaga ng loob na bakit kelangan i-compare? Pero sabe nga ni hubby.. dedma na lang. hayaan ko sila sa mga sinasabi nila. Magdedevelop yung anak ko sa panahon nya. Mas lalong walang magagawang maganda kung dadamdamin ko lagi. Ako kse napakasensitive ko na lalo pagkaanak. Matindi din ang pinapagdaanan ko kahit dito sa sarili nameng bahay pagmay mga comments na di ko nagugustuhan. Pero wala ko magawa kase nakikitira lang kame. Kaya nga isa yan sa mga pinapag ipunan namen ni hubby. Yung pambukod namen. Parang hanggang di kase tayo nakakabukod, nabibigyan naten sila ng chance may masabi at makialam lalo na sa pagpapalaki naten sa mga baby naten. More tummy time ka lang mommy kay baby mo. May mga bata na nagsskip na nga ng crawling stage like yung pamangkin ko. Baka naman magdiretso na si baby mo pagtayo at paglalakad. Tsaka eto mommy.. yung mga baby naten.. magaling makiramdam yan.. so paghindi tayo okay.. alam nila. Kaya sana hangga’t maaari busigin mo sya ng positivity.. dapat happy lagi.. para ang baby happy din lagi. Learn na lang naten ang art of dedma. Yung mga sinasabe nila as long as di tayo nagpapaapekto.. walang effect. Gawin na lang naten best naten para s amga baby naten at hayaan naten sila magdevelop ng kusa. Magugulat na lang sila lahat mommy. God bless!

ganun nga mommy ginagawa ko. pero syempre dumadating talaga sa point na di maiwasang magdamdam na nakikita ko naman na nageeffort baby ko. yun nga din sabi ng asawa ko wag ko na lang pansinin. thank you sa advice mommy at least kahit papaano di ako nagiisa sa ganitong sitwasyon.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles