Responsibilities

Mga momshies ask ko lang po. Ano po bang pagkakaintindi nyo sa salitang "pananagutan ko yan"? Yan po kasi huling txt ng tatay ng pinagbubuntis ko. Yung unang txt nya po kasi sken "tutulungan kita dyan" tapos "magtulungan tayo para sa bata".. Tapos yung "pananagutan ko yan" yan po yung huling sinabi nya. Di ko po alam if suporta lang ba o magpapakaama sya sa anak ko. πŸ˜”

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy. Tingin ko po suporta lang yung sinasabi niya dyan. Pero sa point of view ko lang po. Mas mabuti siguro kung mag usap kayo in person since baby niyo yan pareho at di lang sana dinadaan sa text. Mas malinaw kasi ang mga bagay bagay kapag in person pinag uusapan at makakapagtanong ka rin po agad kapag may di ka naintindihan.

Magbasa pa