Pregnancy and Partner

Hello good day mga mommy! Gusto ko lang maglabas ng saloobin. Sa totoo lang di ko maiwasan mainggit sa mga nakikita ko sa socmed kapag yung hubby nila sobrang hands on sa pagbubuntis nila kahit first trimester pa lang like di mo kailangan sabihin na bumili na kung anong kailangan or dapat gawin. Wala rin sya idea sa mood changes or hormonal changes kapag nagbubuntis dahilan para mainis sya sakin madalas dahil may anger issues sya. Gusto ko sana nanonood sya or nagsesearch mga food or vitamins na need ko. Inaasikaso nya naman ako. Nag stop nga pala ako sa work pero ako pa rin nagbabayad sa lahat ng bills dahil nakabukod na ako matagal na at may ipon naman ako kahit papaano pero natulong sya sa food paunti unti gamit allowance nya. Estudyante pa ang partner ko sa College. Naghahanap na sya ng work kasi nakikita nya nauubos na ipon ko sa mga expenses at bills pero madalas nasama loob ko kasi gusto nya na magwork ako habang maliit pa tiyan ko kesa naman daw nasa bahay lang ako. Naiisip ko lang yung ibang lalaki pag buntis asawa mas gusto sa bahay na lang at alagaan sila. Gusto nya rin daw yung tipo ng babae na pag uwi nya bahay ay aasikusuhin na lang sya at makakapag pahinga sya. So sabi ko paano if one time pagod din ako kasi sabi ko mas nakakapagod sa bahay mas marami ginagawa lalo pag may baby. Pinipilit nya na mas nakakapag pahinga daw dahil nasa bahay lang at kung gusto ko daw sya sa bahay at ako ang magwork. Sabi ko ay payag ako dahil mas malaki ang kinikita ko sa papasukan nya. So napapaisip ako kung tamang lalaki ba napili ko.

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

for me, hindi dapat ganun ang attitude/belief ng isang partner. yan ang no. 1 NO-NO na belief ng isang lalaki na if you are the housewife, pagsisilbihan mo na lang sia at wala na siang gagawin pag-uwi ng bahay dahil pagod na sia sa pagta-trabaho. having a partner is having a support system. im a working mom. actually, mas mahirap ang maiwan sa bahay kesa magwork sa labas. id rather be single if ganyan ang magiging pananaw ng partner ko. magbibigay lang sia ng stress sakin.

Magbasa pa
2y ago

Madalas kami mag away mi, actually nung una mas nakikita kong may provider mindset sya kesa now. Nangungutang rin sya sakin minsan pero binabalik naman nya. Ang isa ko pa inaalala lagi sila nagtatalo nung anak ko pati kami dahil di ko rin gusto nung way ng pagdedesiplina nya. Gusto ko kasi papagsabihan at eexplain kung bakit sa bata pero pang babae lang daw yun at lalaki anak ko kaya daw tumitigas ulo.