Puyat at Pagod

Good day mga kamommies, Ask ko lang anong magandang paraan para magstop na dumede si baby sa gabi. Pure breastfeed po sya. May sugat na nips ko at puyat na puyat na ako saktong 1yr old na si baby nadede sya nang alanganing oras, Ayoko magalit at magreklamo kaso sobrang pagod yun naramdaman ko umaabot sa punto na nasisigawan ko na anak ko(pero hindi ko naman pinapalo)Gusto ko po sana nang kumpletong pahinga. Ayoko madamay sa pagkabadtrip yung anak ko dahil sa puyat at pagod na nararamdaman ko, Gusto ko maging maayos yun mental health ko. Ayoko makaramdam nang frustration. Kumpletong pahinga lang gusto ko. P.S Sanay wag nyo po ako husgahan. Humihingi po ako ng advice. Thank you po.

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

practice mix feeding mi, I use Lactum for my 15mos child. keri naman though hinahanap padin dede ko, pero kahit papano mabilisan nalang and since 1 year old na sya busugin mo lagi ng kanin bukod sa night, sanayin mo ng rice then formula. para makaligtaan ang breast milk. same situation din ako mi, until now hirap padin mapa stop si baby, preggy na kasi uli for 2nd baby e

Magbasa pa