Puyat at Pagod

Good day mga kamommies, Ask ko lang anong magandang paraan para magstop na dumede si baby sa gabi. Pure breastfeed po sya. May sugat na nips ko at puyat na puyat na ako saktong 1yr old na si baby nadede sya nang alanganing oras, Ayoko magalit at magreklamo kaso sobrang pagod yun naramdaman ko umaabot sa punto na nasisigawan ko na anak ko(pero hindi ko naman pinapalo)Gusto ko po sana nang kumpletong pahinga. Ayoko madamay sa pagkabadtrip yung anak ko dahil sa puyat at pagod na nararamdaman ko, Gusto ko maging maayos yun mental health ko. Ayoko makaramdam nang frustration. Kumpletong pahinga lang gusto ko. P.S Sanay wag nyo po ako husgahan. Humihingi po ako ng advice. Thank you po.

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

skl mi at 1year old above pwede ng mag try si baby ng Fresh Milk (dapat full cream milk) at please consult muna sa pedia.. pero eto ay approved ng mga pedias mi.. sabi nga nila di naman need ng toddlers ng mga mamahalin gatas dahil dapat pinapakain na sila ng maayos dun nalang kukuha ng balanced nutritions.. pinapainom ko niyan si baby as support lang din at malakas na sobra kumain kaya di na need ng mga formula powdered milk na mataas sa sugar.. di ko din pinapadede si baby sa tsupon sa baso na niya iniinom fresh milk.. btw 17mos breastfeeding mommy here napapagod din ako pero baligtad tayo mii ako naman gusto ko kung hanggang kelan gusto ni baby mag BF di ko siya patitigilin kahit nakakapagod na din talaga kasi yung panganay ko alagain pa din with Autism kasi yung panganay ko.. at bilang nanay... kelan ba tayo magkakaron ng sapat na tulog?.. wala talaga mii kasama na yan sa pagiging nanay kaya habaan natin pasensya natin🥰 laban lang miii balang araw mamimiss natin sila ganyan kaliit

Magbasa pa