Pangalawang Beses na
Good day! May gusto lang po ako ihingi ng advice. 10 years and half na kami ng partner ko. Nag aaway naman kami dati pero Yung tahimik at maayos na pagtatalo until this year kapapanganak ko Lang nung Feb. 4 mos na ung baby namin. Nagkaron kami ng away na nasaktan nya ko. Sinapok nya Yung ulo ko after that nag usap kami Sabi nya Hindi nya na uulitin. Until now it happened again. May napagtalunan kaming maliit na bagay about gamit sa bahay Lang, tapos sinuntok nya ko ng dalawang beses naharang ko Yung hita ko kaya nagkaganyan at may pasa. Ano po hang dapat Kong gawin? Salamat po.
hiwalayan na po pag ganyan.wala ng respeto eh.dapat din yan makasuhan para magtanda sya. tatay ko nga po never npagbuhatan ng kamay si nanay ni amba wala.kahit si nanay na ang nkakasakit minsan wala syang ginagawa.ganun nmn po tlaga kapag mahal sabi nila.kahit anong galit di dpat umabot sa pisikalan.
Magbasa pasis.. pano mo mamahalin ng buo ung baby mo kung di mo mahal ang sarili mo? Habang maaga pa, tnungin mo srili mo kung worth it ba magstay sa taong gumaganun sayo. Bka pag ngtiis ka pa, pati anak mo mgwa na rin nya saktan. Love yourself first sis.. Para sa anak mo. Gawin mo kung ano dapat.
hiwalayan muna yan te , ang isipin mo anak mo na dapat mong alagaan .. baka ano pa magawa sayo nyan ng hindi maganda wag muna isipin na mawawalan ng tatay anak mo isipin mo nalang na mas okay ng walang tatay baby mo kesa makita nya na laging bugbog sarado nanay nya dahil sa tatay nya ..
Nag promise tas inulit, wag na pakatanga momsh, iwan mo na. Wag mo na antayin na mismong anak niyo pa makakita na ginaganyan ka. Kung matino sya, di ka nya pagbubuhatan ng kamay, or mas worst baka umabot sa point yung baby niyo ang pagbuhatan nya ng kamay. Tigil na, iwan mo na.
base sa xp ko.. pag nag start n manakit.. magagawa n nya lage yan pag nag aaway kyo. at mas lalala pa ng lalala habang tumatagal. bka may mental health issue na or bka nag undergo ng depression. seek help mommy. habang maaga.. kawawa c hubby mo pti kyo ni baby.
punta ka po brgy. para mapa blotter mo sya at sana nagpaclinic ka para may record k ng pang aabuso d na magbbago ang mga taong nanakit kahit kailan .. kaya kailangan gawa ka ng move.. dati din akong ganyn pero hiniwalayan ko agad ang asw ko kesa umulit pa sya!
Ipabarangay mo, bwisit kagigil yung mga lalaki na nananakit ng asawa nila .. sensya na sis .. pero di madadala yan pg di mo tinuruan ng leksyon, at una sa lahat bagong panganak ka .. pano kung ikaw ang mgsuffer ng depression kawawa ang anak mo ..
Report mo sya sa brgy sis.. or punta ka ng hospital pa checkup ka then hingi ka ng medico legal.. may mga women & children protection unit din ung ibang hospitals.. pwede ka nilang tulungan dun.. bka kasi sa susunod pti baby nyo saktan din nya..
Pag wala kapang action na gagawin ngaun. Mauulit yan sis. Pwde mo sya kausapin na warningan mo. Or kung nasabihan mo na dati. Or pde mo na dalhin s brgy. Yan pra magtanda na. Wala na kasi sya respeto sayo. Ang babae minamahal. Hindi sinasaktan.
I report niyo sa sa barangay kasi baka sa susunod nan di lang pananakit ang gawin niya sayo baka po Napatay niya na kayo.or lumayo muna po kayo sa kanya yung di ka po niya ma kikita muna kasi di po maganda yung sinasaktan ka po niya.