Sustento Problem

Good day. 21yo po ako, si partner 21 din. Live in at may dalawa po kaming anak, 2yo and 5months. Wala pong trabaho ang papa nila since March. Madami na pong inaalok sa kanya na trabaho pero ayaw niya. Umaasa lang po siya sa tatay niya na nasa Italy at inaasa din po niya mga anak sa tatay niya. 3k monthly allowance (except vitamins) ang binibigay po sa mga kids. Ako, palamunin pa din po sa parents ko. Dito po kami nakatira ng mga anak ko sa bahay ng mama ko, umuuwi lang po si partner dito ng 8pm then uuwi sa kanila ng before lunch kaya di po ako natutulungan mag alaga sa mga kids. Pagkauwi po sa kanila buhay binata po siya, ni parents niya di po siya maforce mag work para sa mga needs ng anak niya kasi since pa kinukunsinti na po kasi mga gawain niyang mali. Sinabi ko sa papa nila na kulang na 3k monthly nila at padagdagan na pero walley action. Sinabi ko na din sa mga biyenan ko pero ang sabi lang is 3k lang daw talaga ang mabibigay nila, yung kulang daw side ko na daw magprovide. Pero kami po ay baon sa utang. Gumastos po kami ng 26k sa pagkakacs ko at sinundan pa po ako ng sakit sa bato after manganak. Gumastos po sila papa ko ng 30k pero wala man po binigay na tulong mga biyenan ko kahit na piso, lahat po inutang. Construction worker lang po ang papa ko at siya lang po ang bumubuhay sa amin ng mama ko. Ano po dapat kung gawin ? Insist ko po ba na dapat dagdagan yung budget lalo ayaw po magtrabaho papa nila ? Dapat po bang makihati ang parents ko sa pagsustento sa mga anak namin ? Pakiusap tulungan niyo po ako. No hate please. Maraming salamat po

undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply