Sustento Problem

Good day. 21yo po ako, si partner 21 din. Live in at may dalawa po kaming anak, 2yo and 5months. Wala pong trabaho ang papa nila since March. Madami na pong inaalok sa kanya na trabaho pero ayaw niya. Umaasa lang po siya sa tatay niya na nasa Italy at inaasa din po niya mga anak sa tatay niya. 3k monthly allowance (except vitamins) ang binibigay po sa mga kids. Ako, palamunin pa din po sa parents ko. Dito po kami nakatira ng mga anak ko sa bahay ng mama ko, umuuwi lang po si partner dito ng 8pm then uuwi sa kanila ng before lunch kaya di po ako natutulungan mag alaga sa mga kids. Pagkauwi po sa kanila buhay binata po siya, ni parents niya di po siya maforce mag work para sa mga needs ng anak niya kasi since pa kinukunsinti na po kasi mga gawain niyang mali. Sinabi ko sa papa nila na kulang na 3k monthly nila at padagdagan na pero walley action. Sinabi ko na din sa mga biyenan ko pero ang sabi lang is 3k lang daw talaga ang mabibigay nila, yung kulang daw side ko na daw magprovide. Pero kami po ay baon sa utang. Gumastos po kami ng 26k sa pagkakacs ko at sinundan pa po ako ng sakit sa bato after manganak. Gumastos po sila papa ko ng 30k pero wala man po binigay na tulong mga biyenan ko kahit na piso, lahat po inutang. Construction worker lang po ang papa ko at siya lang po ang bumubuhay sa amin ng mama ko. Ano po dapat kung gawin ? Insist ko po ba na dapat dagdagan yung budget lalo ayaw po magtrabaho papa nila ? Dapat po bang makihati ang parents ko sa pagsustento sa mga anak namin ? Pakiusap tulungan niyo po ako. No hate please. Maraming salamat po

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang mga magulang ninyo kung tutuusin ay di obligasyon na tustusan pa kayo dahil may sarili na kayong pamilya. Suporta nalang sila kung ano man ang kaya nila itulong sa inyo. Kayo na dapat mag-asawa ang bubuo ng pamilya nyo at kasama dun ang obligasyon na buhayin ang binuo ninyong pamilya. Unang-una, kayo ang naglagay sa sarili ninyo sa ganyang sitwasyon kaya panindigan ninyo ang buhay na pinasok ninyo. Maswerte pa kayo sa mga magulang ninyo na handang tumulong at umalalay sa inyo... pero hindi para saluhin ang obligasyon na dapat ay sa inyo. Pag-usapan ninyong mag-asawa kung ano talaga ang plano nya sa pamilya ninyo. Di habang buhay ay nandyan ang mga magulang ninyo.

Magbasa pa
4y ago

yan po lagi sinasabi ng biyenan ko sa akin, pero mismong anak po nila di po nila mapagsabihan at maforce na maghanap ng trabaho para sa pamilya niya. pupunta po kasi dapat ng italy si partner kaso lumagpas na po siya sa 18 hindi pa po naprocess papers niya kaya ang parang nangyari po, binibeybi po nila kasi sabi po ni partner na kung di rin siya makuha sa italy, ibibigay daw po dapat lahat ng luho. nagwawala po si partner sa bahay nila dahil po doon kaso wala po sila magawa. kaya lahat po ng gawain niya kinukunsinti nalang po. di ko na po alam gagawin ko kasi ayaw ko din naman po ipasa sa parents ko yung dapat na obligasyon ng partner ko sa mga anak namin. kulang na kulang na po kasi sustento ng mga kids. malakas po si partner , ayaw lang po niya talagang magtrabaho

Nasa tamang edad na kayo since both 21 na kayo. Sa totoo lang hindi na obligasyon ng mga magulang niyo ung mga anak niyo, nandyan nalang sla para iguide kayo pero para sustentuhan kayo hindi na tama. Knowing na may anak na kayong 2yrs dapat di na muna ninyo sinundan lalo nat wala stable na trabaho. Pagusapan nyo mag asawa kung ano ba talaga gusto niyo mangayare, kung ayaw nya magtrabaho o ano, at ikaw rin kung kaya mo naman o may mapag iiwanan ka sa anak mo maghanap kadin ng trabaho, para kahit papano meron kayo pang gastos mag iina a

Magbasa pa
4y ago

Cut ties na mami, una palang ganyan na ano pa pag tumagal. Obligahin mo nalang ung partner mo mag sustento. Mahirap gawin pero hindi worth it kung ganyan din naman nararanasan nyo mag iina. Pero kung makukuha pa sa magandang usapan as much as possible sana ay gawin. Sa huli nasa sayo parin naman ang desisyon, pero above all ang dapat lagi mo iisipin kapakanan nyo mag iina

punta ka sa VAWC. Kaso mo unemployed tatay ng babies mo. pero try mo din. karapatan ng babies mo 'yan. ipaVAWC mo.

4y ago

ah. internal negotiation na lang between the 2 of you since ok naman pala kayo.