Di excited ang ama sa dinadala kung anak

Going 36wks na ako. Ano gagawin ko mga momsh kung mafefeel ko na di excited ang partner ko sa bb namin? Yung parang pnaninindigan nlng. Di pa kami kasal. Live in lang. Wla nmn sya ibng bbae. Ok nman financial support. Kaso emotional support wala siya e. Na alala ko kasi di pa sya ready maging ama nung una niya malaman Feb 2022. Akala ko mgbbago pa, pero di tlga e. Di ko sana ma fefeel ito kung di nato nangyari sakin nung una sa amin. Back 2019 ngka miscarriage ako, nlaman niya na buntis ako kasi npapansin nya iba na figure ko. Iyak ako ng iyak. Kc di sya happy. Hope ko nun malaglag nlng bb ko kc kita ko na ayaw tlga ng partnr ko kasi wla pa sya sakto financial at mga bata pa kami. Pero di ko akalain nalaglag tlga bb ko kasi sobrang depress ko. ilang araw at buong arw ako depress nun around 2mons na baby ko. After nun suffer ako depression ilang yrs. Pray ko ka god na pgbumalik uli si bb ko, di ko siya e.sasacrifice kahit ano mangyari. Sa ayaw at gusto ng partner ko. 7yrs ago pa ito nangyari. Iba na nman sa situation ko ngayon. Dun ko una na feel to mga last week nang may dumating na order ko from shopee ito ay clothes ni bb handa pra panganak. Ngreklamo sya sa price 1,700 for just clothes, kesho aga ko daw namili. Ganito. Ganyan. Na shookt ako dun, umiyak ako kaka explain sa knya. Naging ok nman kami nung araw na yun. Pero bumagsak na nman tlga luha ko nang nakita ko na nagsearch sya sa google kinabukasan "Why Im not emotionally attach to my unborn child". Nkalimotan nya kasi mgdelete ng history. Dun ko tlga naisip na baka di tlga pa sya ready. Baka pabigat kami sa knya. May pera nman ako kya ko buhayin si bb. Ang nasa isip ko ngayon, umalis nalang dito sa bahay at bumalik nlng samin kung san ako mas komportable sa situation ko. 4days na kasi ako na e stress umiiyak gabi gabi kung san mas tahimik ang oras, mkakapag isip ka tlga. Ayw ko ganito nlng kasi baka ma ano si bb ko. Baka maging unhealthy si bb.😔 Na fefeel din ni bb na unwanted sya ramdam ko yun. Kasi hinahanap ko palagi partner ko, parang yung bb lage hanap ng hanap sa knya.😩 Once lang niya ako sinamahan mgpa prenatal, once lang din niya hinimas tiyan ko, nkalimotan ko na kailan yun nangyari. Kaka inggit nga sa iba. Yung dlawa niya kapatid at the time alam nila na buntis partner nila lagi sinasamahan sa prenatal. Sobra caring. May pa touch pa sa tiyan. Yung partner ko iba tlga treatment niya sakin. Ngayon lng kasi ako ngreact. Di ko iniisip nung una kasi ok nmn pgnanghihingi ako sa knya vitamins, pgkain etc. Iba tlga momsh pgmay emotional support. Oh baka, wla na sya choice kaya sumoporta nlng sya. Gusto ko sana pag umuwi kc ako samin, baka ma clear na mind ko na di ako pabigat sa partner ko. Kung gstu nya financial mgsupport, support nlng. Well-being lng tlga ni bb iniisip ko now. Bhala na kung wla na kami attachment. Ayaw ko kasi umasa pa. Kakapagod na din. Kaso ayaw nya, mataas pride din partner ko kasi. Baka ano sabihin ng mga tao sakanya. Gulong gulo na isip ko. Pano pa kaya after ko manganak, baka mgka postpartum ako wlang mka alalay sakin dito.🥺 Bigyan ko paba chance to hanggang makita nya si bb? or hanap nlng ako paraan hanggat hndi ko patu na iluwal bb ko pra pglabas nya plastado na kami dlawa.? #advicepls #pregnancy #pleasehelp

24 Replies

VIP Member

nag aadjust pa cguro mi.. meron naman kasi lalaki na hindi showie sa mga gangyang bagay,bigyan mo siya uli ng chance me,wag karin palagi iyak mi kawawa si baby tiisin mulng isipin mo salrli mo at si baby yaan mo cia importante sarli mo mag palakas ka para kay baby sa at para narin sayo. ako din dati last month emotional din gusto umuwi samin kaso mahirap din malayo sa taong mahal mo sa tatay na magiging anak mo lalo lang malungkot, dapat gawin kausapin mo cia ng masinsinan mi kung ano ba talaga problema nia or gusto nia,hirap kasi satin mga buntis kasi apaka sensitive kaya kunting kibot umiiyak.. palakas kapo mi wag palaging umiiyak maapektuhan si baby. Gudluck & God Bless🥰

VIP Member

Wag ka nalang masyadong isipin sis, kung totoo ngang hindi pa siya handa let him be muna.. Malay mo naman nate tense lang siya at anxious sa future niyo kasi syempre nga mas lalaki na ang responsibility niya.. Maybe pag nanjan na si baby mapawi din lahat ng kaba niya. Siguro para mapanatag ka at wag puro feelings lang, maybe try mo kausapin siya, at open niya ang nrramdaman niya, para naman mapag usapan niyo ng mabuti at in the end ma assure mo siya na kakayanin niyo yan. Mas mabuti tlaga ay mayroong clear communication.. Wag puro hinala, hula or feelings lang. Try niyo mag usap.. Para sa ikagagaan ng loob niyo pareho.

Baka nag aadjust pa yung partner mo mi? I mean siguro my iba siyang plan para sa inyo sana and nag timing lang na dumating din si baby niyo kaya yung pinag iipunan niya sana na para sa inyong dalawa ay mapupunta na ky baby. Nakapag pa ultrasound na po ba kayo? baka pwede mo siyang makumbinsi na sumama para makita niya si baby niyo. Tayo kasing buntis grabe yung emotion natin at parang nagiging clingy na sa partner natin. For the meantime mi mag isip lang tayo ng positive para kahit papano di rin maramdaman ni baby yung stress. ☺️ As long as nabibigyan ka din financially at napoprovide yung needs mo goods na rin yun.

mag sit down convo kayo para klaro kayo on your worries and on his side din instead na manghula or mag assume ka. at least galinbgn na mismo sayo and sa knya kung naong mapag kakasunduan nyong setup. wala tyong magagawa kung di tlga ready. if both of you are willing to give it a try paglabas ng baby, go, nice yan. pero hindi or 1 sided lang, mas mararamdaman mo tlga ang burden so better secure na lang at least kahit financial support from him and go back muan with your fam para hopefully they can support you emotionally then take it from there. focus na lang sa sa sarili mo and sa bb mo

sabi mo nga eh kaya mo naman suportahan ang sarili mo, lumayo ka sa nagbibigay ng stress sayo. bakit ka magtitiis kung pwede ka namang pumunta sa lugar na maraming susuporta at willing na magpakita ng pagmamahal sayo at sa baby mo? hindi pwede yung ganyan na baby ang nasasakripisyo, lahat ng sakit na nararamdaman mo, dama ng baby yan. at kung mahal ka talaga ng lalaking yan, hayaan mong gumawa sya ng paraan para bumalik ka sa kanya. at kung may pride talaga sya, gagawa sya ng paraan para masuportahan ang baby na parehas nyo namang binuo.

Hiwalayan mo na yan mamsh. Walang kwenta yang partner mo. Di pa naman kayo kasal. Palayain mo na sya at lalong ikaw kasi di mo deserve yang mga ipinaparamdam nya sayo ngayon. You deserve better. Know your worth. Bakit mo ipagpipilitan ang sarili mo at ang baby mo sa taong bato. Umuwi ka na sa inyo at doon mas matututukan mo ang baby mo. Tanggalin mo na yang agam agam sa puso mo. MOVE ON mars! Be strong! Alam ko mahirap gawin pero ano pang sense ng pagsasama nyo kung yan lang ang ipinaparamdam nya sayo diba? Sana matauhan ka na.

Sorry sa sasabihin ko. Wag mo muna isipin nararamdaman niya, ang isipin mo yung iyo at sa baby mo. Yang baby mo ang magmamahal sayo ng totoo. Kung kaya mo naman financially umalis kana at dun kana sa family mo, hindi yung namamalimos ka ng atensyon sa lalakeng yan. Malay mo naman kapag umalis ka sa poder niya marerealize niya din yung treatment niya sayo. Maraming pwedeng mangyare 24/7. Pray and prior mo muna sarili mo at si baby as of now.

i think gawin mo kung ano magbibigay sayo ng peace of mind sa ngayon. si baby ang priority mo kaya iwasan mo mastress, ibig sabihin tanggalin niyo muna ang nagbibigay sayo ng stress. kapag nailabas mo na si baby nang maayos, dun mo na lang harapin yung partner mo kung gusto pa rin niya maging parte sa buhay ninyo ni baby. baka pag nakita niya si baby, maramdaman na niya emotional attachment na hinahanap niya.

Mas mabuti momsh kung umuwe ka muna sa inyo para makaiwas ka sa stress malay mo kapag umalis ka marealize ng partner mo na kaya ka umalis dahil di nya kayo naaalagaan ni baby malay mo magbago at puntahan kayo. ang mahalaga ngayon isipin mo po kalagayan nyo ni baby kung san kayo mas ok at magiging komportable

Wag mo muna masyadong isipin yun Momsh. I think di pa sakanya nagbsisink in na Tatay na siya pero tignan mo sinusuportahan kayo financially at yung pag search nya sa google... may something e. Nacucurious siya na bat siya ganon sa bb nyo. Malay natin paglabas ni bb, magbago siya, na handa na pala siya. Ipag pray mo lang din Sis.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles