Di excited ang ama sa dinadala kung anak
Going 36wks na ako. Ano gagawin ko mga momsh kung mafefeel ko na di excited ang partner ko sa bb namin? Yung parang pnaninindigan nlng. Di pa kami kasal. Live in lang. Wla nmn sya ibng bbae. Ok nman financial support. Kaso emotional support wala siya e. Na alala ko kasi di pa sya ready maging ama nung una niya malaman Feb 2022. Akala ko mgbbago pa, pero di tlga e. Di ko sana ma fefeel ito kung di nato nangyari sakin nung una sa amin. Back 2019 ngka miscarriage ako, nlaman niya na buntis ako kasi npapansin nya iba na figure ko. Iyak ako ng iyak. Kc di sya happy. Hope ko nun malaglag nlng bb ko kc kita ko na ayaw tlga ng partnr ko kasi wla pa sya sakto financial at mga bata pa kami. Pero di ko akalain nalaglag tlga bb ko kasi sobrang depress ko. ilang araw at buong arw ako depress nun around 2mons na baby ko. After nun suffer ako depression ilang yrs. Pray ko ka god na pgbumalik uli si bb ko, di ko siya e.sasacrifice kahit ano mangyari. Sa ayaw at gusto ng partner ko. 7yrs ago pa ito nangyari. Iba na nman sa situation ko ngayon. Dun ko una na feel to mga last week nang may dumating na order ko from shopee ito ay clothes ni bb handa pra panganak. Ngreklamo sya sa price 1,700 for just clothes, kesho aga ko daw namili. Ganito. Ganyan. Na shookt ako dun, umiyak ako kaka explain sa knya. Naging ok nman kami nung araw na yun. Pero bumagsak na nman tlga luha ko nang nakita ko na nagsearch sya sa google kinabukasan "Why Im not emotionally attach to my unborn child". Nkalimotan nya kasi mgdelete ng history. Dun ko tlga naisip na baka di tlga pa sya ready. Baka pabigat kami sa knya. May pera nman ako kya ko buhayin si bb. Ang nasa isip ko ngayon, umalis nalang dito sa bahay at bumalik nlng samin kung san ako mas komportable sa situation ko. 4days na kasi ako na e stress umiiyak gabi gabi kung san mas tahimik ang oras, mkakapag isip ka tlga. Ayw ko ganito nlng kasi baka ma ano si bb ko. Baka maging unhealthy si bb.π Na fefeel din ni bb na unwanted sya ramdam ko yun. Kasi hinahanap ko palagi partner ko, parang yung bb lage hanap ng hanap sa knya.π© Once lang niya ako sinamahan mgpa prenatal, once lang din niya hinimas tiyan ko, nkalimotan ko na kailan yun nangyari. Kaka inggit nga sa iba. Yung dlawa niya kapatid at the time alam nila na buntis partner nila lagi sinasamahan sa prenatal. Sobra caring. May pa touch pa sa tiyan. Yung partner ko iba tlga treatment niya sakin. Ngayon lng kasi ako ngreact. Di ko iniisip nung una kasi ok nmn pgnanghihingi ako sa knya vitamins, pgkain etc. Iba tlga momsh pgmay emotional support. Oh baka, wla na sya choice kaya sumoporta nlng sya. Gusto ko sana pag umuwi kc ako samin, baka ma clear na mind ko na di ako pabigat sa partner ko. Kung gstu nya financial mgsupport, support nlng. Well-being lng tlga ni bb iniisip ko now. Bhala na kung wla na kami attachment. Ayaw ko kasi umasa pa. Kakapagod na din. Kaso ayaw nya, mataas pride din partner ko kasi. Baka ano sabihin ng mga tao sakanya. Gulong gulo na isip ko. Pano pa kaya after ko manganak, baka mgka postpartum ako wlang mka alalay sakin dito.π₯Ί Bigyan ko paba chance to hanggang makita nya si bb? or hanap nlng ako paraan hanggat hndi ko patu na iluwal bb ko pra pglabas nya plastado na kami dlawa.? #advicepls #pregnancy #pleasehelp
Proud mommy of 4β₯οΈ 19 | 15 | 8 | 1