Hi. Just wanna tell a story about my life.

Here we go, im 22 years old and base in this app im 11 weeks & 4 days pregnant. Naging kami ng boyfriend ko august 18 2019, ON and OFF kami dahil sobrang seloso nya. Maliit na bagay pinapalaki nya ginagawa nyang big deal at wala syang pinipili kahit sino pnag seselosan nya. So, to make the story short nalaman ko na buntis ako mix emotions yung naramdaman ko nun at ng sinabi ko na sa boyfriend ko hindi sya natuwa o naging masaya manlang. Ayaw nya panindigan yung anak namin dahil ayaw nya maniwala na sya ang ama sabe nya pa sakin kpag tnuloy ko yung pagbubuntis ko ipapa dna test nya daw yung bata. Pumayag ako, pero kung ano ano ang natanggap kong salita sa kanya. Sa oras na yun parang kong pnagbagsakan ng langit at lupa dahil hndi ko alam ang magiging reaksyon ng pamilya ko kpag nalaman nila na buntis ako ayaw panindigan ng tatay. Sobrang kahihiyan dadalin ko sa pamilya ko. Ang laki ng expectation nila sakin kaya alam ko na ma didissapoint sila kpag nlaman nila na buntis ako. 1month na kami walang communication nung lalaki ilang beses ako nagmakaawa na panindigan nya lang kahit hndi na nya sustentuhan pero sobrang tigas nya at pinipilit nya pa rin na hndi sya ang ama. Okay guys sabhn ko sa inyo kung bakit ganun sya dahil may nakita nya yung cellphone number ng ex ko sa phone ko. Naka save pero wala na kaming communication nung ex ko sbe ko nga sa inyo sobrang seloso nya mkita nya lang na may kausap ako o may magtanong lang sakin na lalaki iisipin nya na lalaki ko na agad. Ganun sya, ganun sya ka desperado. Ngayon nagpapanggap pa din ko dto sa bahay na parang wala lang. Pero pag sapit ng gabi hindi ko maiwasan isipin yung ginawa sakin ng lalaki na yun. Wala syang puso, Hindi na sya naawa sa anak namin. So tama ba na hinayaan ko nalang sya at wala akong ginawa para mag dusa sya sa ginawa nya sakin. Totally, walang wala ako ngayon nag resign ako sa trabaho ko nun dahil hndi ko na kaya yung puyat at pagod. Naisip ko na ipalaglaga yung baby dahil may nag sbi sakin na dugo palang naman daw. Pinag isipan kong mabuti yun pero hindi ko tnuloy sobrang depress ako sa mga panahon na yun. Gusto ko lang marinig mga opinion nyo. Thank you ?

68 Replies

Ganyan din naging situation ko. Sinabi ko rin soon sa parents ko nung di ko na kinaya ang emotional status ko. Magagalit ang parents mo expexted yan pero matatanggap ka rin nila. Promise. And as for the guy, nasa sa kanya na yan kung makokonsensya sya o hindi. Sa part ko kasi nakonsensya sya kaya nagkabalikan kami. Sinabihan nya rin ako noon na hindi kanya ang bata kaya sobrang sakit din. Okay man kami ngayon pero nakikiramdam pa rin ako. Be strong sis. Kung di man nya panindigan, atleast ikaw pinanindigan mo. Lovelots.

TapFluencer

You should tell na sa parents mo. Oo magagalit sila pero lilipas din Yun sila Ang magiging karamay mo... Ang importante kasi health nyo ni baby. Tsaka wag ka magmakaawa sa tatay di mo deserve Ang ganung lalaki na pagdududahan ka and all... Ang pagtuunan mo ng pansin magiging mommy ka na, blessing yan. mahihirapan ka for now kasi single parent pero mawawala rin yan once marinig mo heartbeat at Makita mo si baby mo, super heaven ang feeling.. Basta kapit Lang Kay God sis. Wala kang di kakayanin. 💪🙂

Sa una Lang masakit sis blessing yang baby Kung darating din un time na matatanggap nya Yan bk nagiisip isip Lang Yun Kung di na bumalik sayo ayaan mo na isipin mo na Lang un baby mo mas kailangan ka nya....ako nga 2na baby ko sa pangalawa Kong iinasama iniwan ako pinagpalit sa kabet sis sobrang sakit buntis ako ngayon ayaw nya tanggapin mas pinili nya parin un kabet iniisip ko na Lang mga anak ko unti-unti sis matatanggap mo din Ang katotohanan na di sya Ang lalaking para sayo......

hi sis , single mother here, wag mong isipin na kahi2yan ang dala mo ng dahil sa nabuntis ka at d pinanindigan, una kailangan mong lakasan loob mo, magtapat kna sa pamilya mo, may masabi man , tanggapin mo , di naman magta2gal mata2nggap at mauunawan ka nila, dunsa lalaki naman tama yung desisyon mo, pero hingi ka ng sustento kung d ka nya panindigan, karapatan ng bata yun, e-set aside mo muna yung feelings mo dun sa lalaki, mag focus ka muna sa inyo ni baby, goodluck po and godbless.

First of all, bakit ka may # ng ex mo? Malamang magdududa yan. Ngayon, harapin mo yan. Kung ipapalaglag mo ang bata may kalalagyan ka. Sementeryo o impyerno. Maaring maging masaya ka dahil wala na ang bata pero tandaan mo, hanggang sa huling hininga mo anjan yung guilt na may pinatay ka. Anak mo pa. Don't say na di ko ramdam kasi di ko naranasan kasi I've been there and I chose a very bad decision. Kahit ngayon may baby na ako in less than a month, lagi kong naiisip ang guilt.

Tuloy mo lng yan binigay yan sayo ng Dios dahil alam niyang kakayanin mo yong galit ng pamilya mo tiisin mo lng sa umpisa lng yan pero pag lumabas na ang baby tiyak tingnan mo maiiba ang lahat mag giging masaya sila makita ang anak mo kung dka man kayang panagutan at paniwalaan ng boyfriend mo ipagpasa Dios mo na lng siya...makakaramay mo yang anak mo kayamanan mo yan habang pinagbubuntis mo mahirap pero may awa ang Dios makakaraos ka din lakasan mo lng kalooban mo

Ituloy mo sis! Mahirap sa umpisa pero masaya. I'm 24 y/o single mom with an 8 month old baby. Got pregnant when i was 22 and gave birth at 23. Yes it's really hard but every pain is worth it. Akin nga pinanindigan ako hanggang manganak, pagkapanganak naghiwalay kami, tapos di na siya nag habol. Imagine, akala mo mabubuo kayo, di pala. But it's fine because i have supportive and loving family who love my baby and me so much. Laban mga single mom!!! ❤

Let me tell you this.. naranasan ko na makunan at kahit dugo pa lang un, inayakan ko un ng sobra sobra. Halos one year ako nagluksa and then here you are, saying bullshit na ipapalaglag mo kasi dugo pa lang naman? Well kung ganyan naman pag iisip mo, mabuti nga wag ka na magka-anak kahit kailan. The nerve! Bumukaka ka naman ng kusa sa bf mo, choice mo magpagalaw. Ikaw eh, sex muna bago kasal di pa kayo nag ingat. Idamay ba ung bata.

Db.. napakasakit makunan. Hindi physical.. kundi emotional... hindi mo alam kung bibigyan ka pa ba ng chance ni Lord... madaming tanong. Tapos makakabasa ka lang dito ng mga tao na gumawa ng bata pero ayaw humarap sa responsibilidad?? Nkakabwisit!

Wag na wag mong ipalaglag ang baby ghurl. Matindi ang balik sayo nyan kapag pinalaglag mo. Blessings yan ung Iba nahihirapan mag ka anak. And I'm sure na matatanggap din ng family mo Yan.... If Hindi sya mag sustento KASUHAN mo kasi nasa batas Yan kahit d Kayo kasal obligasyon nya mag sustento.. parehas Tayo Ng story ghurl on and off kami Ng bf ko and also 22 yrs old nung mapreggy ako. Kaya mo Yan ghurl....

Every child is a blessing sis. Magalit man sayo ang pamilya mo.. Tanggapin mo. Kasi ikaw nagkamali. Pero for sure mapapatawad ka din nila . Lalo na pag lumabas baby mo. May plano si God sa bawat buhay ng tao. Same din ako sayo sis. . And now im married to a man who really respects and trully loves me kahit na may anak ako sa pagkadalaga. . Just Pray and put God first in everything you do.. Godbless..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles