Hi. Just wanna tell a story about my life.

Here we go, im 22 years old and base in this app im 11 weeks & 4 days pregnant. Naging kami ng boyfriend ko august 18 2019, ON and OFF kami dahil sobrang seloso nya. Maliit na bagay pinapalaki nya ginagawa nyang big deal at wala syang pinipili kahit sino pnag seselosan nya. So, to make the story short nalaman ko na buntis ako mix emotions yung naramdaman ko nun at ng sinabi ko na sa boyfriend ko hindi sya natuwa o naging masaya manlang. Ayaw nya panindigan yung anak namin dahil ayaw nya maniwala na sya ang ama sabe nya pa sakin kpag tnuloy ko yung pagbubuntis ko ipapa dna test nya daw yung bata. Pumayag ako, pero kung ano ano ang natanggap kong salita sa kanya. Sa oras na yun parang kong pnagbagsakan ng langit at lupa dahil hndi ko alam ang magiging reaksyon ng pamilya ko kpag nalaman nila na buntis ako ayaw panindigan ng tatay. Sobrang kahihiyan dadalin ko sa pamilya ko. Ang laki ng expectation nila sakin kaya alam ko na ma didissapoint sila kpag nlaman nila na buntis ako. 1month na kami walang communication nung lalaki ilang beses ako nagmakaawa na panindigan nya lang kahit hndi na nya sustentuhan pero sobrang tigas nya at pinipilit nya pa rin na hndi sya ang ama. Okay guys sabhn ko sa inyo kung bakit ganun sya dahil may nakita nya yung cellphone number ng ex ko sa phone ko. Naka save pero wala na kaming communication nung ex ko sbe ko nga sa inyo sobrang seloso nya mkita nya lang na may kausap ako o may magtanong lang sakin na lalaki iisipin nya na lalaki ko na agad. Ganun sya, ganun sya ka desperado. Ngayon nagpapanggap pa din ko dto sa bahay na parang wala lang. Pero pag sapit ng gabi hindi ko maiwasan isipin yung ginawa sakin ng lalaki na yun. Wala syang puso, Hindi na sya naawa sa anak namin. So tama ba na hinayaan ko nalang sya at wala akong ginawa para mag dusa sya sa ginawa nya sakin. Totally, walang wala ako ngayon nag resign ako sa trabaho ko nun dahil hndi ko na kaya yung puyat at pagod. Naisip ko na ipalaglaga yung baby dahil may nag sbi sakin na dugo palang naman daw. Pinag isipan kong mabuti yun pero hindi ko tnuloy sobrang depress ako sa mga panahon na yun. Gusto ko lang marinig mga opinion nyo. Thank you ?

68 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

wag kayong magsesex kung ang relasyon nyo walang kasiguraduhan . tapos ung bata pag iisipan mong ipalaglag? srsly? ano sex sex lang? pag may nabuo takbuhan tapos takot kayo sa parents,? tsk . hayaan mo na yung ex mong walang kabayag bayag . sabihin mo na sa magulang mo yang pagbubuntis mo para naman maalagaan kayo ng baby mo. then focus ka nalang sa baby mo . kagigil ung ex mo ah

Magbasa pa

Tama lng na hinayaan mo sya momsh. Di nya kayo deserve ng baby mo. Wala syang kwenta. At pinaka tama sa lahat, ay ung di mo pinalaglag si baby. Blessing sa buhay yan mommy, kahit gano kahirap iraos mo si baby kasi sya rin paghuhugutan mo ng lakas at inspirasyon para magpatuloy at lumaban 😊 fight fight momsh, kaya nyo yan ni baby. Alagaan mo sya ❤

Magbasa pa

Kahit paman dugo palang yan buhay na yan sis . Ang dugo ay buhay tandaan mo yan . Kahit pa sabihin mong nagkamali ka wlang kasalanan si baby . Ituloy mo yan kahit wlang suporta ng ama . Sbhn mo na totoo sa pamilya mo . Sila ang mas makakatulong at makakaunawa sayo . Mababawasan ang pag aalala mo at makakahinga ka ng maluwag kapag nasabi mo na

Magbasa pa
VIP Member

Don't be like your ex sis. Panindigan mo baby mo, that's your child, too. For now, pray ka lang. I'm sure your family will support you after nila malaman. Let the dad be muna. Pag pray mo nalang din. If in need ka ng financial support after mo manganak, you're covered by the VAWC law. So kung ayaw ng ex mo makasuhan siya, need niya magbigay ng sustento.

Magbasa pa
5y ago

ano po yung VAWC law? at paano po yun? ndi rin kasi ako pinanindigan, kaso yung ama ibang lahi. tinakbuhan nia responsibilities nia since Day1 na nalamang buntis ako. blinock pa ako para di ko na xa makontak

Kaya mo yan kahit mag isa ka sis. Be strong para sa baby mo, blessing yan. Bagong panganak ako and im telling you, kahit wala sya iba yung saya na ibibigay sayo ng anak mo. At lalo kang maiinspire lumaban sa buhay. Pray ka lang. Di mo yan kawalan, sya ang nawalan ng anak at ng asawa. Magsisisi din yan sa huli.

Magbasa pa

keep the baby, walang kasalanan ang bata ang mga parents natin ganyan lang sa una pero dahil dugo at laman ka din nila hindi nila kayang tiisin na mag suffer kayo ng baby mo. maaga din ako nabuntis and same tayo i'm 11 weeks pregnant. have faith, everything will be fine 🙂

Sis , tell your parents your current situation, at first for sure magagalit sila but time goes by , matatanggap din nila yan, d ka nila matiis nyan kasi anak ka nila at blessing yan. Bawal sa buntis ang ma stress sis. You need some strenght sa parents mo ngayon😊😍

Hayaan mu na lang sya sis baka lalo ka lang mastress pag pinagpilitan mu .. future single mom here di rin aku pinandigan kasi duda din ung guy kaya di na ko naghabol ..tinanggap nman ng pamilya ko ang sitwasyon ko kaya better magfocus na lng kay baby😊

Tama panindigan mo si baby...sa una parang mhirap tanggapin pero in the near future msasabi mo sa sarili na proud ka kse ginawa mu yung dapat...yun ang pinakamasarap sa lahat yun kasama mo si baby through thick and thin...god bless and goodluck sa inyo ni baby.

I'm sorry to hear that mommy. Sobrang hirap ng pinagdadaanan mo. Hingi ka ng gabay kay Lord. I'm sure may dahilan bakit binigay sayo si baby. Don't do anything na pagsisisihan mo sa huli. Hayaan mo na ang ama kung ayaw nyang panindigan. I'll pray for you mommy.