My Little Princess

Gleana Alezee DOB: Dec 19, 2019 EDD: January 9, 2020 2.4 kg via NSD Painless 37 weeks GESTATIONAL HYPERTENSION I had a gestational hypertension during my 3rd trimester of the pregnancy. Ftm din ako kaya talagang binantayan ako ng OB ko especially nung 3rd trimester. Labor strarted 4 AM of December 18 pero irregular contractions palang. Pumasok pa ako sa work then nung nasa office na ako, continuous pa din ang contractions. Decided to go to the hospital and admitted at 11 pm. My BP was 190/100 at that time. I was inside the labor room and the whole time na naglabor ako, nakahiga lang ako dahil bawal mapagod at baka tumaas ang BP. December 19, 7 AM, 3 cm palang. Sabi ni Doc need ko na mailabas si baby ng 2 pm. At 1 pm, 5 cm na ako nagdecide na din si Doc na irupture ung panubigan ko. After nun, tumindi na ung contractions and nag fully open na ung cervix ko. My doctor called the anesthesiologist para sa painless delivery pero si baby feel ko na palabas na. Ire ako ng ire dahil nanjan na si baby pero tumataas pa din BP ko. Sobrang sakit! Buti na lang dumating anesthesiologist ko after few minutes. Tinurukan na ako ng anesthesia then all of a sudden wala na akong nafeel na pain. Pero need ko pa din iire si baby para mailabas sya. It took us 4 pushes at ayun, lumabas na ang aking baby girl ❤️ Sobrang sakit kahit na painless pero super worth it. Ang hirap hirap maglabor ng nakahiga lang. Hahaha. Yung tipong gusto mo na tumambling sa sakit pero di mo magawa hahaha.

My Little Princess
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

congrats mommy