1week na si lo.

Ginawa kona lahat, pero bat ganun. More sabaw with malunggay na, umiinom naman ako hot milo, milk and water. Unti parin nalabas. 😭 Hinahayaan ko nalang idede ni lo kahit umabot ng ilan oras sa suso ko. Normal lang ba na umabot ng 2hrs or mahigit ang pag suso ni lo? Nagkaroon na sugat dede ko. 😢

1week na si lo.
50 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

normal lang po na konti pa supply mo mommy, maliit pa po ang tummy ni baby.. habang lumalaki si baby mag aadapt din po supply nyo as long as unli latch kayo ni baby.. and too early pa po para magpump.. magkakaruon po kau ng oversupply pag nagpump ng maaga.. pag 6 weeks na si baby mas advisable magpump.. regarding sa 2 hrs nakalatch si baby hayaan nyo lang po bibitiw din po sya pag satisfied na.. ang baby kasi di lang pag gutom nadede minsan pag bored sila, pag need nila comfort mo, nilalamig or.may nararamdaman.. at kung gusto nyo po talaga lumakas milk supply nyo try nyo po natalac.. regarding po sa sugat na nipples normal po un tsaka masakit sin magaadjust katawan mo mommy mga 3 months wala ng sakit.. ung milk at laway po ni baby magpapagaling dyan or you can buy nipple creams

Magbasa pa
4y ago

correct bumibitaw siya sakin kapag satisfied na siya. and now kasi dumadami na din milk ko kahit papano pero still kulang pa din kay lo. nasasanay na din na masakit nipples ko e

1 week pa lang si LO, sakto lang ang gatas mo mommy. kasing laki lang ng kalamansi ang stomach ng mga newborn. Yung pagsusugat naman po ng nipples, i think it’s normal kasi yung akin din nagsugat, pero gumaling din nmn, si baby din magpapagaling ng sugat sa nipples mo mommy, or check mo din yun if properly nakaka-latch si baby. Yung 2 hours inaabot naman sa pag latch, hayaan mo lang mommy, ganyan talaga pag newborn. the more na nag sa-suck sila, signal yun sa body ng nanay na need nya mag produce ng more milk para sa baby (supply &demand) kaya unli latch lang po. As long as nag pproduce si baby ng wiwi&poops it means may na-dede sya sayo. hope it helps.

Magbasa pa

ganyan din ako momsh, continue latching lang momsh, kung mhina wag ka na magpump direct mo na s breast mo, since 1week plang naman si baby, di pa ganun ka daming milk ang kayang dalhin ng tyan niya nag aadjust ang milk natin s pangangailangan ng baby, tsaka isa pa di po natin makikita s pagpump kung madami tayong gatas, check the outcome po kay baby, like kung mdalas mag poo poo, mejo mdaming wee wee kung mlakas siyang magdede sayo tsaka siyempre weight gain diba may follow up check up po si baby after 2weeks, titimbangin naman siya dun.. tsaka malalaman mo din s pedia niya kung nag iimprove siya.

Magbasa pa

Momsh sali ka sa Breastfeeding Ph na group po sa FB. Malaking tulong. Ang info na nakuha ko sakanila dun about sa concern mo po ay mag unli latch lang po kayo palagi with baby. Ang pumping ng breastmilk ay advisable pag 6weeks na si baby. Sa una kasi talaga mahina pa ang milk supply natin. Ganyan din po ung worry ko nung una.. tapos ayun nalaman ko po na tyaga lang talaga sa pgpabreastfeed kay baby. And take note mas malakas at mas maraming naiinom si baby mo po kesa sa mapapump mo po. Kaya go lang po, dont stress dahil mas makakaaffect po yan sa milk production mo po. Hugs to you po ❤️

Magbasa pa
4y ago

Tsaka kaya pala konti ay dahil di pa naman need ng baby natin ung marami masyadong gatas, maliit pa bituka nila. Pero ung need nila ng milk ay will eventually increase..kasabay sa pagincrease din po ng milk production mo po basta unli latch lang with baby. Iwasan po muna ang formula feeding.

Actually hindi pa po advisable mag pump, after 6 weeks pa po. At tsaka hindi ibig sabihin na yan lang na pump mo, yan lang din ang milk mo. Baka po d sakto ang size ng flange mo kaya kaunti lang nakukuha mo. One week pa lang nman si lo, maliit pa ang size ng stomach nila kaya kaunti pa din kailangan na gatas nila. More on latch lang po and normal lang na sige lang suso kasi kailangan nila comfort. More sabaw din po at tsaka wag mgpa stress kasi nakaka low supply din yan.

Magbasa pa

mommy its normal na 1 week kapalang hndi pa tlga ganun kadami milk mo. but continue to latch lang at aagos din yan.. ganyan din ako 1st 2 weeks ko feeling ko wla ako napapadede sa anak ko pero sabi pedia ob ko its normal hndi pa ganun ka dami milm production natin more on colustrom ang lumalabas kaya kunti pero yan po pina ka healthy na milk mommy.. at sabaw2x lang mommy kaya yan.

Magbasa pa
VIP Member

Ganyan din po ako nun. Try lang po yung lactation consultant and unli latch. If di naman po umiiyak si baby lagi and if okay naman growth niya, then enough po yung milk niyo. Pero if fussy po siya tapos mejo mabagal ang pag gain ng weight, you can talk to your pedia to consider po mixed feeding. Pero try lang po muna mag EBF. Hopefully dumami pa po ang milk niyo. 😊

Magbasa pa

kung may sugat na po ung nipples i check nyo po kung tama po ba ung pag latch ni baby, kasi kung tama po hindi po yan mag susugat 🙂 Join po kayo dito sa group na ito ➡️Breastfeeding Pinay. wag po kayo mag worry kasi 1week plng po si lo, sakto lng po ung gatas na nakukuha nya sayo mommy, maliit pa po kasi ung tummy nila 🙂

Magbasa pa

ganyan din po ako before nong nanganak ako halos wala lumalabas na gatas sakin, pero after 3 to 4 week sumisirit na yung gatas ko halos 3 to 4 times a day ako nagpapalit ng damit. lage lang ako nagsasabaw ng malunggay at tinula na may papaya, lakas makagatas yon. Until now 1 years na c baby ko marame parin akong gatas.

Magbasa pa

pakuluan mo momsh yong malunggay leaves tapos yong sabaw nya haluan mo ng kape or gatas tapos inumin mo momsh kahit isang baso lang na inom mo non subrang dami na ng gatas mo ilang oras lang momsh epective sya momsh don ako nagkagatas, tiisin mo lang yong sakit nya kasi don na nagsisimula mag gatas sya momsh😀☺️

Magbasa pa
4y ago

try mo momsh☺️ wala nman po masamang etry baka magkaron kapa ng gatas😃