Sino ang gumastos para sa kasal ninyong mag-asawa?
Sino ang gumastos para sa kasal ninyong mag-asawa?
Voice your Opinion
Ako
Yung mister/misis ko
Kaming mag-asawa
Mga magulang namin

5519 responses

89 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Gusto ko simple wedding lang, pirmahan sa City Hall tapos na. Eh kaso gusto ng parents ng husband ko sila ang gumastos dahil first wedding both side ng family kaya ayun, napabongga. Ang problema lang, kapag big wedding yung inaasahan mong gastos lumalaki habang papalapit ang kasal kaya kami ni hubby sobrang napagastos din. Tinatawanan ko na lang ngayon kasi sobrang memorable rin naman talaga ng kasal namin. ๐Ÿ˜‚

Magbasa pa

Nakishare ako kasi I understand my husband na di gaanong kalaki ang kita. Sa side ko, ako lang ang gumastos, kahit kusing walang share ang parents ko kaya nagvolunteer ako magshare but on my husband's side, ang daming tumulong so we were very thankful โค

VIP Member

Got married, ung magulang ng mr ko cla gumagastos at hati sa magulang ko.. At binyag ng anak nmin.. Para iisa ag babayarin... Successful nman sa wakas ntapos din.. My probz now wla pang sariling bhay iipon muna para mbahay... Hirap kc ng buhay...

Wala๐Ÿ˜… nag pakasal kme sa kasalang bayan ulti mo piso wala kmeng mag asawaโ˜น๏ธ halos mangiyak ngiyak ako! Pero pag dumating yung panahon na maka luwag2 kme mag asawa papakasal kme ulit dahil yun ang pangarap ko ang makasal ulit kme.

VIP Member

Sa ngayon di pa kami kasal.pero ang gusto ko dalawa kami ng asawa ko gagastos sa kasal namin.kahit simpleng kasal lang ok na. At di naman ako nag mamadaling pakasalan ng asawa ko ang priority muna is ung baby namin

VIP Member

Not yet married. Pero if ever man, kaming dalawa yung gagastos. Mahirap kasi umasa sa magulang, or even kahit tulong lang. Minsan kasi pagdating ng araw, nagkakasumbatan. Mahirap na.

Church wedding, unli food reception with solo beach honeymoon at Batangas. For a 50k budget. Hehe. Kaming dalawa lang ni misis ang nag-ipon at umasikaso ng lahat.

5y ago

San po ginanap yung reception nyo and good for how many pax po yun? Sulit na nung 50k para sa church wedding :)

VIP Member

Nag save talaga kami para kami ang magbabayad, at control namin ang guest list. Alam niyo naman ang mga nanay, gusto nila kung sino-sino ang i-invite!

Share kmi ng gastos.. At hndi kmi umasa sa magulang. Mas masarap yung feeling na nagpakasal Kayo dhil ready na kayo financially ๐Ÿ˜Š

Di pa kami kasal.. pero nung buhay pa tatay nya sabi ng parents nya pag dun kami kinasal sakanila sa province nila sagot nila lahat