TIREd ?

Ganun po ba tlgah, pag kasal na. Babae gagawa lht kht buntis tas panuod nuod lang ung partner mo? Naaawa na ako sa baby ko, pati siya naaapektuhan.

59 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Para naman sakin kahit buntis ako for 30weeks ako lang kumikilos sa bahay mag luto mag saing maglaba ng uniform ng asawako kasi ako di naman ako naglalaba ng mga labahin nmin nag papaloundry kami sa tuwing day off nya at ako plagi nag huhugas ng pinggan, uniform lang na damit nilalabhan ko bsta wag lang ung mga mabibigat na gawain yun tlaga ang pinakabawal sa mga buntis ay ung mag buhat ng mabibigat. Para sakin kaya ako lahat gumagawa nyan dahil na din sa pag iintindi ko sa asawa ko kasi nga hindi din biro ang magtrabaho sa mga factory oh kahit na ano pa mang trabaho yan. minsan ksi iba iba ang schedule nya may pang gabe at may pang umaga. Kaya bilang isang babae(wife) ginagawa ko nalang tungkulin ko at kailangan may pagkakaunawaan din kayo sa isat isa. Natural na ksi saating mga babae yan yung tayo dapat kikilos at gagawa ng gawaing bahay at mag aalaga ng anak at sila namang mga mister natin ay magtatrabaho mag kakayud pra lang buhayin tayong mga asawa at anak. Sekreto pra maging maganda at malusog ang pamilya hindi dapat nawawala ang pagmamahalan at pagtutulungan sa isat isa. Ksma ndin ung pagkakaunawaan at pag aalaga sa pamilya.

Magbasa pa