sa totoo lang po, sino po kami para humusga? kung mali man po desisyon niyo, nagawa na po at yun ay dahil nung time na yon yung pinili niyong choice yung tingin niyong best na piliin.
wala naman po akong nakikitang mali dahil nagkakaintindihan naman po kayo except kay ex dahil di niya alam. blessed po talaga kayo sa inyong partner. yung pagsabi niyo po sa anak niyo, mas maganda po kung kayo muna ni ex mag usap. kung kikilalanin niya at hanapin, mas mabuting sabihin niyo sa bata kahit paunti-unti (ang mga bata matatalino po nakakaintindi po yan sila basta mahinahon po mag explain). kung di man po kilalanin ni ex ang bata bilang kanya, mabuti pong wag madaliin at ipilit na magkaroon sila ng connection. mapapansin din po kasi ng mga tao sa paligid yung details mommy eh, kaya mas mabuti po na sa inyo makuha ni anak niyo yung explanation. mas mamahalin po kayo ng anak niyo kung alam niyang wala kayong lihim lalo na about sa identity niya