I NEED YOUR ADVICE PO

Ganito po kc yan 8 years ago naghiwalay kame ng ka live in ko nung naghiwalay po kame di kopo alam na buntis po pala aq. August po kame nag hiwalay then Sept po di na ko nagkaron and nag pt po aq positive di ko sinabi sa ex ko tinago ko sa kanya ung pag bubuntis ko. Then by November po my nanligaw sakin at tanggap nia ko kahit buntis aq nun means inako nia po and willing xang magpakatatay sa anak ko tinago po Namin kahit sa family ko. At family nia nung una po Hindi naging madali syempre di mawawala ung duda Ng lahat Lalo na ung side ni ex. Di kopo talaga inamin sa kanila tinago po Namin Ng ka live in ko ngaun and super bless aq kc sobrang Mahal Nia ung anak ko na parang kanya. At 7 years old na po ngaun Ang anak ko. Ok po kame masaya at tahimik Ang buhay nang biglang nag message ung kua Ng ex ko. Na alam Nia dw po ung totoo na ky ex ung anak ko kc di kopo talaga maitanggi ngaunkc Habang lumalaki ung bata nagiging kamukhang kamukha talaga xa ni ex. So umamin po aq sa kua ni ex. At nakiusap na wag nalang munang sabihin ky ex kc my sarili na din xang pamilya at mukha namang masaya xa ayoko lang po makagulo sa kanya at sa bagong pamilya nia masaya din naman na po kame. Sinabi ko din sa kanya na sa tamang panahon aq mismo magsasavi sa anak ko at ky ex. Gusto ko kc nasa tamang edad na ung anak ko ung Kaya na niang umintindi Ng mga bagay. Ok din naman po ung kinakasama ko sa desisiyon ko na Yun. Ang Sabi ng kua ni ex nirerespeto Nia dw ung desisiyon ko. Masaya dw xa na sakin na talaga nanggaling na pamangkin Nia nga talaga ung anak ko. Hihintayin Nia dw ung panahon na handa na kameng mag Ina na sabihin ung totoo. Sa tingin niyo po ba Tama lang ung desisiyon ko mga ma. Opo alam kopo na napaka laki Ng kasalanan ko Lalo na sa anak ko. Pero di po kame nagkulang na ipadama sa kanya Ang buong pamilya kahit di Nia totoong tatay ung nakalakihan Nia. Maraming salamat mga ma Sana my maipapayo kayo sakin.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sa totoo lang po, sino po kami para humusga? kung mali man po desisyon niyo, nagawa na po at yun ay dahil nung time na yon yung pinili niyong choice yung tingin niyong best na piliin. wala naman po akong nakikitang mali dahil nagkakaintindihan naman po kayo except kay ex dahil di niya alam. blessed po talaga kayo sa inyong partner. yung pagsabi niyo po sa anak niyo, mas maganda po kung kayo muna ni ex mag usap. kung kikilalanin niya at hanapin, mas mabuting sabihin niyo sa bata kahit paunti-unti (ang mga bata matatalino po nakakaintindi po yan sila basta mahinahon po mag explain). kung di man po kilalanin ni ex ang bata bilang kanya, mabuti pong wag madaliin at ipilit na magkaroon sila ng connection. mapapansin din po kasi ng mga tao sa paligid yung details mommy eh, kaya mas mabuti po na sa inyo makuha ni anak niyo yung explanation. mas mamahalin po kayo ng anak niyo kung alam niyang wala kayong lihim lalo na about sa identity niya

Magbasa pa