Ganito po kasi yun, once à month lang po kami nàuwi from manila to province dahil may work kami ni hubby. Salitan ang pagtulog namin sa bahay at bahay nila since ilang araw lang naman kami nauwi. Syempre miss namin ang bata, pag weekends kasi dun sya kila mil natutulog pero everyday nakakasama nila ang bata kasi kahit weekdays na at na kila mama ang bata, everyday pa rin sila nasa bahay nila mama. Netong uwi namin, Ang gusto nya, sya daw katabi ng bata matulog. Grabe naman diba? Pano kami? Pano namin masusulit ang bata? Tapos pag ilang minutes lang karga namin ang bata aagawin. Pag kainan sya muna bantay, kung sino mauna matapos sya papalit. Nung natapos ako kukunin ko sana ang bata pero dali dali nya nilagay sa duyan tapos hatid hatid ko na lang daw. Pag hawak namin ang bata para syang pusang di makaanak kasi di sya titigil hanggat d namin sinusunod ung gusto nya na instead daw na kargahin namin iduyan na lang daw. Kinuha ko kasi ang bata dahil hindi nya naman kaya patahanin, nung pagkakuha ko agad naman sya natigil tsaka natulog, halos kakapikit palang ng bata gusto nya ilapag ko na agad or duyan na. Kasi siguro feeling nya inaagawan sya. Sa kwarto pa nga namin ni hubby sya natulog. Kahit sinabihan ng ate ng asawa ko na sa taas nalang. Kaya ayoko sa bahay nila, Walang privacy. Kaya kalbaryo talaga pag naandun kami. Sa bahay hinahayaan nila kami, binibigyan kami ng privacy kasi alam nila gaanu namin kamiss ang bata. May mga times na marami pinagbabawal si mil na gawin namin pero in the end sya naman gagawa. Katulad ng hayaan daw namin ang bata para makalaro mag isa at wag pakilaman (6mos girl) which is gusto ko din naman un para makagapang gapang sya, pero sya din naman kukuha ilang minutes lang nakalipas. Yung tipong pumaparaan lang pala sya. Pag nadating kami, hubby ko palang nakakahawak ng ilang minutes aagawin na niya di ko pa nakarga ang bata. Nasstress ako skanya.