OGTT

ganito po ba ininom nyo nung nagtest kayo for OGTT?. sobrang tamis. Nakakahilo ang gutom pti yung epekto nito.

OGTT
109 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ayan po akin kahapon. Sinumpa ko po talaga yan. Bugbug na nga po kabilatkanan ko halos masuka po ko at mahilo jan. Bawal pa uminom ng tubig kaloka

Post reply image

Cola flavor sakin. After ng test ska ko sinuka lahat, tiis lang tlaga. After ko sinuka lahat nag Sambo Kojin buffet kami. Hahaha nagutom eh 😂

yes ganyn din, 11pm huli ko kain 7am nag pa lab na ko kaya di ako gaano nagutom kasi tulog ko fasting ko, sakto tapos gutom na ko 😂

Kakatapos ko lang din kanina sis. Grabe torture ng no water and almost 12 hrs na walang kain. Hahaha. Sana normal lang results natin.

Post reply image

gluco saken na Cola ang flavor. sa sobrang uhaw ko nun d ko na nlasahan agad. kya og ka ubos dun lang aq naumay sobrang tamis pla..

ganyang ganyan yung ininom ko nun momsh. Ako naman d nagsuka, nagustuhan ko parang lasang royal haha ang hilig ko kasi sa sweets ngayon

5y ago

Same tayo momsh. Sobrang tiis gutom ko nun buti nalang di ako nasuka ksi uulit nanaman. Hays.

Oo yan nga. Wala pang 1 minute ko to ininom noon. Kahit nurse nagulat. Hahaha it helped na adik ako sa juice 😂

Ganyan din oinainom sakin nung una walang effect pero habang tumatagal nasusuka ako bite na lng napigilan ko 😁

VIP Member

Yes mommy ganyan. Na i suka ko yung unang OGTT ko 🤮. Na over fasting. Kaya nag 2nd test ulit ako. 🤮🤮🤮

Naka sched nako for ogtt sa Jan 8.. ngayon pa lang iniisip ko na kung kakayanin ko bang magutom ng ganun katagal 😢

5y ago

kayang kaya mo yan mamsh 😊