NEED ADVICE
Ganito kasi yon mga sis, bago kami magkakilala ng boyfriend ko, inaayos ko na ang papers ko para mag-migrate sa canada kasama ang family ko. Tapos nagkakilala kami, business-minded sya, so sa tagal namin nagkakakausap, na-encourage nya na dn ako magbusiness. Nag-pause muna ako sa pag migrate kase nag iba din ang policy nila. Nag-start ako magbusiness, kaso hindi naging successful. Ngayon, balak ko nalang sana ituloy pag-migrate ko sa canada kaso hindi pwede kasi may baby kami. Preggy ako, 6months na. Iniisip ko ang gagawin ko paglabas ni baby, gusto ko din naman kasi matupad mga pangarap ko para sa sarili ko, gusto ko mabili mga gusto ko sa sarili kong pera, ayoko umasa lang sa boyfriend ko paglabas ni baby. Can u guys help me decide kung ano pinakamaganda gawin paglabas ni baby? Eto po choices ko... 1. Balik nalang sa school para tapusin ang college degree, hindi pa malalayo kay baby at kay boyfriend pero walang income? 2. Ituloy ang pag migrate at pagkatapos kunin nalang silang mag-ama? Dito naman may sarili akong income pero mukhang pag-aawayan namin Ps. Hindi madaling mapapayag si boyfriend sa pag migrate kase may business ang family nla dito sa Pinas, only child lang kasi sya. Walang ibang mapagkakatiwalaan Pps. Kung mag-migrate din, hindi ko pwede isama agad ang mag-ama ko, parang di ko naman kaya malayo sa baby ko.