Confused if preggy

FYI... First pregancy if ever. Mejo long post. Ask ko lang po mga mommies, kakagaling ko lang kasi kay OB for my followup checkup. July 1 yung 1st ko. This is my 2nd checkup plang and niresethan nya ko ng duphaston 14 tablets 2x a day, for 1week??? Implantation bleeding daw nangyri sakin nitong mga nkaraang week. Bukod kasi sa nagkmens ako ng 3days lang, before pa mens ko, mga nkaraang week, ngkaroon ako ng pagdudugo sabi ko sa pantyliner. Ngayon plang ako magstart sa duphaston. Nagfofollic acid naman nako 1month na. Pero di nya pa din confirm if preggy na ba tlaga ako. Pt ko last tuesday lang negative, since yun nmn din ang sabi nya nung 1st checkup ko. Sabi nya may tendency mag negative nun at nagnegative naman nga talaga. She advised me na magpT august 6 pag negative pa din august 13 try ko ulit sabay balik ko ulit kay OB. Di ko msabi sa family ko kung buntis na ba tlga ako and to think na 4 na klase na iniinom ko kasma na vitamins din. Alm ko kung gano kaexcited buong angkan ko kaya tanong na sila ng tanong kung buntis n nga ako. 34 na kasi ako and ako ang panganay na apo sa side ng father ko naunhan pako ng mas nkkbata sakin at kahit mga half siblings ko naunahan na din nila ako. Ngyon, di ko alm ano sasabhin. Di ko alam pano papaliwanag sa knila kasi mejo nguguluhan pa din ako sa ob ko. Pero may tiwala naman ako sa knya, sympre doktor sya e.. At sinusunod ko nmn lahat ng sinsabi nya. Akala ko nga iuultrasound nya ako ulit knina pero mga 2mins lang ata yun pinahiga nya lang ako tapos nilgay nya yung device sa may tyan ko lang, pero parang wala pa daw sya makita.Nung una kasi utz ko transvaginal talaga. Yun ang matagal.

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kung na-transV ka na nya Sis, ano result daw non? July 1 pa lang ang una mong bisita kay OB, August 01 na bukas. By now dapat na-confirm na nya kung buntis ka o hindi.

Hanap n ng ibang OB. dapat sa 1st transV pa lang makikita na nya kung buntis ka., kung super aga pwedeng wala pang heartbeat pero for sure may sac na dapat na makita

4y ago

Private ob p nmn sya at ang mahal. Wala naman akong reklmo sa knya mabait nga sya nguguluhan lang talaga ako

VIP Member

Weird mamsh. Dapat sa utz makikita na kung may baby or wala db. Ano nkalagay sa result ng transv mo? Pray lng mamsh.

4y ago

Pero di pa din po kinonfirm ni ob na pregnancy na nga yun. Sabi nya magpT pa nga daw ako ulit.