Funny question lang mga moms and dads: Anong mas pipiliin nyo, walang kuryente or walang tubig?
I can't survive without both!!! But if I really had to choose walang kuryente nalang. Sobrang hassle and feeling ko ang baho ko pag walang tubig! Hahaha.
Walang kuryente.. mainit din Kasi sa pakiramdam kung di ka man lang makaligo.. bili na lang ako ng generator, hehehhe kailangang ko din ng aircon
Walang kuryente. Haha pwede ka naman mabuhay kahit walang kuryente. May solar energy naman lol. Unlike pag walang tubig, wala ka tlaga magagawa.
Walang kuryente. Madali lang magpaypay at magsindi kandila. Haha Mahirap ang walang tubig. Ayoko ng walang ligo. Mahal maligo ng mineral water. Hehe
ok lang ang walang kuryente wag lang tubig. at least hindi ka babaho at may pambuhos ka ng inodoro pag nagjebs ka🤣🤣🤣
Okay nakong walang tubig. Kesa naman walang kuryente ang dilim kaya hirap kumilos. Kung walang tubig mag igib nalang sa poso
Naku mas mahirap ang walang tubig. Lalo na at may mga bata. Kaya pa yung walang kuryente, pwede magpaypay o palamig sa mall.
Hehehe...samin po kc pag nwlan ng kuryente,la din tubig...kaya no choice...igib sa poso! 😁😁😁
Walang kuryente na lang. Ang hirap po 'pag walang tubig. Tipong tatae ka, wala kang panghugas at pangbuhos. Hahaha.
walang kuryente.., ang hirap ng walang tubig lalo na pag may bata.. like us now walamg agas ang gripo undermaintainance