Emotional Mommy

FTM 17 weeks EDD Oct 13 2019 Hi mommies! Gusto ko lang ilabas tong nararamdaman ko. Feeling ko wala ng nakakaintindi sa akin. Lagi akong galit at inis kahit maliit na bagay. Kagabi pinagalitan ako ng parents ko kasi pinagalitan ko mga kapatid ko tapos napagsalitaan pa ako ng hindi maganda. Tapos feeling ko etchapwera na ko sa mga magulang ko. Ang nakakatampo pa, pag kailangan nila ng tulong ako tatawagin nila tapos kapag ako nanghingi ng tulong, galit pa sila. Syempre hindi ko naman matiis tutulong pa din ako kasi mahal ko sila eh. Mas pabor pa sila dun sa kapatid kong 17 y/o kahit na puro kalokohan inaatupag. Kinwento ko po sa LIP ko mga hinanakit ko pero nagagalit lang siya sa akin. Ini-stress ko lang daw sarili ko at ka-dramahan o kaartehan lang daw tong ginagawa ko. Pagda-drama lang po ba to? Hindi ko na alam gagawin ko eh. Pag nagke-kwento ako ng mga hinaing, ka-dramahan lang daw. Kaya mas gusto ko na lang manahimik.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hello po same tayo pagdating sa asawa ko hndi ko masabihan ng problems ko sinasabe nya wag daw ako ganun napaka nega ko daw or minsan sabhn nya pagod na sya sa work dadagdag pa daw ako wag ko daw sya bigyan ng iisipin.....so ako tahimik lang kaya thankful ako sa app na to hehe....regarding po sa problem nyo po i think normal lang sa isang buntis ang maging emotional tumataas ang hormones natin. magkwento ka nlng po ng problems nyo sa bestfriend or kamaganak na super close at pinagkakatiwalaan nyo para naman mailabas lang yang ganyang feeling masama po kase yung kimkimin and maganda po ginawa nyo na kahit dito maglabas ng sama ng loob

Magbasa pa
6y ago

Thanks mommy. Sana maliwanagan ang hubby natin na hindi tayo nagdadrama or what. Nakakalungkot lang kasi akala ko sila ang maaasahan ko. Thankful din ako sa app na to kasi ang dami kong natututunan at nawawala yung lungkot ko. God bless!