☹️☹️ need some advice

FTM po ako.. ask. ko lang po kung normal po eto para sa one month and 6 days baby.. may ganito kasi si little one ko. at d ako sure kung yan. din cause kung bakit para malansa ulo ni baby ko 😓😓😓

☹️☹️ need some advice
21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

"CRADLE CAP" May napapansin ka bang parang balakubak na makapal sa ulo ng anak mo? 'Yan ang tinatawag na cradle cap. Ang iba pang tawag sa cradle cap ay seborrheic dermatitis. Ito ay hindi lang makikita sa ulo. Minsan ay meron din nito sa noo, kilay, tenga, diaper area, at sa ibang parte ng katawan. Dapat bang mag-alala tungkol dito? HINDI. Hindi ito delikado, hindi nakakahawa, at karaniwang natatanggal kapag 1year old na si baby. Isa sa mga maling paniniwala ay dahil ito sa poor hygiene. Nagkakaroon ng cradle cap dahil nag-aadjust pa si baby sa environment niya. Ano ang pinakamabisang paraan para maiwasan at matanggal ang cradle cap? ♧ Huwag paliliguan ang bata nang mahigit sa isang beses sa isang araw ~ Ang madalas na pagpapaligo ay pwedeng mag-cause ng dry skin na magiging cause naman para ang sebaceous glands ay maglabas ng excess oil --- na siya namang sanhi ng cradle cap. ♧ Gamitin ang Naaayong Baby Shampoo ~ Lagyan ang buhok at anit ni baby ng hindi matapang na baby shampoo 2 to 3 times a week ♧ Uminom ng B vitamins supplement kung nagpapasuso ka ~ Wala pa namang konkretong ebidensiya na nagpapatibay dito pero ang pag-inom ng B vitamin biotin ay mahalaga para sa healthy skin. Kausapin ang OB tungkol dito. ♧ I-brush ang anit ni baby gamit ang malambot na brush ~ I-massage ang anit ni baby gamit ang soft brush kapag naliligo. Siguraduhing huwag tanggalin ang scales o namuong balakubak para hindi mairita ang balat ni baby. ♧ Maglagay ng baby oil (kung mayroong virgin coconut oil mas mainam) bago i-brush ang anit ni baby (1 or 2 drops) ♧ Gumamit ng humidifier ~ Makakatulong ito para hindi mag-dry ang balat ni baby ♧ Maging matiyaga dahil hindi naman agad-agad ay mawawala ang cradle cap ♧ Kumonsulta sa doktor ~ Kapag nairita o nagka-impeksyon, pumunta na sa doktor 💡 Huwag gagamit ng matatapang na kemikal bilang pampahid sa cradle cap. Iwasang gumamit ng undiluted apple cider vinegar, hydrogen peroxide, o essential oils dahil masyadong matapang ang mga ito. SOURCE: https://www.mustelausa.com/tips-for-preventing-and-treating-cradle-cap (Credits to mustelausa for the photos)

Magbasa pa
5y ago

thank you po sa info☺️☺️