☹️☹️ need some advice
FTM po ako.. ask. ko lang po kung normal po eto para sa one month and 6 days baby.. may ganito kasi si little one ko. at d ako sure kung yan. din cause kung bakit para malansa ulo ni baby ko 😓😓😓
"CRADLE CAP" May napapansin ka bang parang balakubak na makapal sa ulo ng anak mo? 'Yan ang tinatawag na cradle cap. Ang iba pang tawag sa cradle cap ay seborrheic dermatitis. Ito ay hindi lang makikita sa ulo. Minsan ay meron din nito sa noo, kilay, tenga, diaper area, at sa ibang parte ng katawan. Dapat bang mag-alala tungkol dito? HINDI. Hindi ito delikado, hindi nakakahawa, at karaniwang natatanggal kapag 1year old na si baby. Isa sa mga maling paniniwala ay dahil ito sa poor hygiene. Nagkakaroon ng cradle cap dahil nag-aadjust pa si baby sa environment niya. Ano ang pinakamabisang paraan para maiwasan at matanggal ang cradle cap? ♧ Huwag paliliguan ang bata nang mahigit sa isang beses sa isang araw ~ Ang madalas na pagpapaligo ay pwedeng mag-cause ng dry skin na magiging cause naman para ang sebaceous glands ay maglabas ng excess oil --- na siya namang sanhi ng cradle cap. ♧ Gamitin ang Naaayong Baby Shampoo ~ Lagyan ang buhok at anit ni baby ng hindi matapang na baby shampoo 2 to 3 times a week ♧ Uminom ng B vitamins supplement kung nagpapasuso ka ~ Wala pa namang konkretong ebidensiya na nagpapatibay dito pero ang pag-inom ng B vitamin biotin ay mahalaga para sa healthy skin. Kausapin ang OB tungkol dito. ♧ I-brush ang anit ni baby gamit ang malambot na brush ~ I-massage ang anit ni baby gamit ang soft brush kapag naliligo. Siguraduhing huwag tanggalin ang scales o namuong balakubak para hindi mairita ang balat ni baby. ♧ Maglagay ng baby oil (kung mayroong virgin coconut oil mas mainam) bago i-brush ang anit ni baby (1 or 2 drops) ♧ Gumamit ng humidifier ~ Makakatulong ito para hindi mag-dry ang balat ni baby ♧ Maging matiyaga dahil hindi naman agad-agad ay mawawala ang cradle cap ♧ Kumonsulta sa doktor ~ Kapag nairita o nagka-impeksyon, pumunta na sa doktor 💡 Huwag gagamit ng matatapang na kemikal bilang pampahid sa cradle cap. Iwasang gumamit ng undiluted apple cider vinegar, hydrogen peroxide, o essential oils dahil masyadong matapang ang mga ito. SOURCE: https://www.mustelausa.com/tips-for-preventing-and-treating-cradle-cap (Credits to mustelausa for the photos)
Magbasa paMalansa po talaga yan,kala ko dati breastmilk ko ang malansa yun pala yung ulo nia since di ko napapansin na may ganyan siya kasi makapal ang buhok..gumawa ako ng langis ng niyog momsh tapos bago maligo lalagay ko sa bulak para lumambot yung mga langib nia.mga one wik na puro ganun lang.tpos lactacyd po muna ipangwash nio sa ulo wag i direct sa ulo ha ihalo po sa tubig yung lactacyd 😊😊
Magbasa paoo nga eh kala ko kung ano na kasi malansa siya kala ko din un n.dahilan bat lagi siya umiiyak at tulog manok siya pero normal. daw un . thank you po sa pag advice ☺️
cradle cap po yan sis.. normal lng po na nag kakaganyan mga baby and nawawala dn nman po yan.. use mild soap nlng po nung nag kaganyan 1st born ko pinaswitch kmi sa physiogel cleanser from cetaphil na yun ah.. tas brush lng po after bath then wag ndaw po lagyan ng oil kc mainit nag cacause ng pagkairritate ng scalp ni baby at pagkaburn ng balat
Magbasa pacetaphil binigay ng pedia niya kasibmay. rashes siya tapos para dun.ata ngstart na magkaroon siya ng gnyan . kaya cguro every time na nilalagyn ko ng oil and nirurub ko namumula anit niya 😟😟
Try coconut oil mommy. Before bath, put some oil on your baby’s scalp, then massage. Then do your normal bathing routine. After bath, use comb para matanggal yung flakes. Pero wag po pilitin tanggalin yung nakadikit pa, yung mga nasa hair lang. then continue doing it for a couple of days until mawala.
Magbasa paVirgin coconut oil mamsh ganyan bb ko dati gumaling sa VCO..much better to consult pedia padin.
Nagka ganyan din 1st kid ko dati momshie ung parang langib sa bunbunan. Bago maligo, naglalagay ako ng baby oil sa bulak at dahan dahan na nirurub sa part na meron siyang langib. As in dahan dahan. Saka ko siya papaliguan. Nawala din after. Pero ask your baby's Pedia padin momshie to be sure.
Better tell your baby's Pedia momshie na ganun nangyari nung nag start siyang gumamit ng Cetaphil. For sure naman kahit yung Cetaphil ang prescribed ni Pedia for your baby, papalitan niya din yun once malaman niya na ganyan ung naging result.
Nong cetaphil ang shampoo na gamit ko Kay baby may ganyan sya pero Hindi marami cguro kasi Hindi na babanlawan ng maayos kasi mabula sya.but nong na switch ako ng Johnson baby shampoo nawala na sya kasi mabilis mawala ang bula ng Johnson..
baka nga po kasi nung ngrashes si baby ko cetaphil baby ang resita ng pedia niya..para dun ngstart n ngkaroon siya ng gnyan
meron po talaga ganyan ibang baby...kusa nalang po yan mawawala change balat nong nasa loob p xa ng tyan m yan. basta pagmaliligo lagtan m po baby oil. kusa nalang po yan maaalis wag mo po pilitin kasi masusugat.
sige po mommy.. thank you po sa advice☺️☺️
Try nyo po liquid baby bath like lactacyd malapot kasi ung cetaphil baka di nababanlawan maigi. Lagyan nyo po baby oil before maligo then suklayan nyo po ung suklay nya insertan nyo ng wet wipes para sumama ung langib
kaya nga po eh kasi. nung ngstart kami gumamit ng cetaphil para dun ngstart na magkaroon siya ng gnyan
Cradle crap siya momsh same kay lo ang ginawa na epektibo ay etong Tinybuds happy days then scrub using soft comb na pang baby dahan dahan suklayan nawala din siya agad,di siya mainit sa anit kaya safe☺️ #babycy
san makakabili niyan mommy?
Babaran mo lang oil momsh every morning before maligo para lumambot. Pag pinaliguan mo unti unting matatanggal
sige po. thank you po sa advice mommy☺️
Mummy of Two