1 MONTH OLD: AYAW MAGPALAPAG

FTM here, maganda schedule ng baby ko sleep sya pag gabi ngayon naman nagloloko. Simula 1 am kagabi ayaw na magpalapag. 9 hrs na akong gising, ayaw magpalapag ng baby ko huhuhu dedede lang tas matutulog pero nakakatulog sya sakin. Kapag ilalagay ko na sa crib nya, nagigising sya. Napa-burp ko naman, busog din at walang dumi and ihi sa diaper. Anong ginagawa nyo pag ganito mga momsh? Pagod na pagod na ako kaka-hele, burp, padede.

1 MONTH OLD: AYAW MAGPALAPAGGIF
31 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pamangkin ko mamsh chinese kasi asawa ng pinsan ko sakanilang chinese daw simula pag ka labas ni baby di daw nila pinag hehele ng baby. Hehele man kung dedede lang the rest is ayaw daw ni chekwa ihele pa si baby pag matutulog kaya ayun nakasanayan ni baby na mag isa sya matulog lagi.

2y ago

di talaga hinehele ang baby lalo pag day old pa lang hehe yung baby ko po ganyan namin sinanay then now 2 months na sya, nakakatulog na rin sya mag isa kapag nakadede at burp na

Si baby ko po mag 2 months na minsan ganyan rin ayaw niya humiga well, nahiga nman pero minsan siguro ngalay din siya na lagi nakahiga kaya minsan nakakatulog siya ng nakadapa sa dibdib ko tapos ako nakaka idlip nlng din, tiis lang tlaga kse wala pa sila pattern ng pagtulog.

Same na same sa baby ko now. Kahit anong gawing kanta, hele pati pagsayaw . Ayaw niya talaga magpalapag gusto niya sa braso or sa dibdib ko lang. Try mo din mii lagyan ng happy days at calm tummies ng tiny buds ang tyan niya baka may kabag effective kay lo ko yun

Magbasa pa

Same po sa baby ko, going 6weeks parang mababali braso sa bigat kakabuhat pero don lang sia nakakatulog ng mahimbing, kahit anong antok pag naramdamang ilalapag na iiyak tapos back to zero again, growth spurt talaga

Nasa growth spurt po si baby mommy hanggang 8 weeks po yan then pag tuntong nya ng 2 months mawawala na rin po yan sulitin na natin na panay ang pakarga nila kasi di naman lagi na newborn sila 😊

Growth spurts yan which is normal sa mga baby kasi nagpapalaki din sila. Haba ng pasensiya maitutulong natin sa kanila since challenge un sa paglaki nila.

TapFluencer

Hello po pwede magtanong.., pwede ko bang gamitin yung nabili kung distilled water na malamig para sa dede ni baby, pakuluan ko lang ba sya ulit?

same din kahit nagkakanda lungad lungad na gusto nakasalpak dede q kay baby di nag papa baba pag gabi di nagpapatulog anu kaya pwede gawin

Sa una lang yan mommy. Sinanay ko po baby ko na naka dim light, kaya gigising lang siya pag gutom na. Nagstart ako bago siya mag 1 month.

Try niyo po iswaddle, nag addust pa po kasi sila. Pag nakaswaddle po parang nasa loob pa din ng tummy ng mommy at parang yakap din siya.