17 Replies
ftm here, di rin ako nakapag breastfeed as much as I wanted to bec of some health problems. I felt guilty din at first but I realized na it does not make me less of a mom kung formula fed man anak ko... ang importante is that buhay, super healthy, active and she's growing well at advanced pa nga sa mga milestones even though hindi siya breastfed.. and andami din nagcocomment dati na kesyo mas maganda ang breastfed na baby kasi matalino, hindi sakitin, and all.. kesyo di ko daw ginawa lahat para magka breastmilk ng madami.. sila nagcause para makaramdam ako ng guilt.. tama naman un breastmilk is liquid gold talaga for babies but what can I do.. mas maappreciate ng anak ko ang buhay na nanay na naalagaan siya ng tama dahil inalagaan niya din ang health niya kesa nanay na pinilit ang hindi ukol at napabayaan ang health niya.. kailangan niyo po alagaan sarili niyo din para maalagaan niyo ang baby niyo.. kaya for me it's okay lang po.. I don't feel guilt anymore since nakita ko naman na naging maganda ang effect ng formula kay baby at lahat ng sinasabi nila naprove ko na pwede rin makuha ng bata sa formula milk.. that's my take po
been there nung newborn palang baby ko. i tried my best para ibreastfeed siya kasi gustong gusto ko talaga pero wala mahina gatas ko tapos inverted nipple pa ko. sobrang hirap. nakaka frustrate talaga plus the PPD. sabi ko sa asawa ko iformula na lang namin si baby since di ko talaga kaya at iyak siya nang iyak kasi di siya nabubusog. since nag formula kami, laging ang himbing ng tulog ni baby at di na rin ako masyadong nahirapan. nakakagawa ako ng household chores gawa ng mahaba siya kung matulog tsaka lumaking healthy yung baby ko sa formula na yon. wag mong iforce yung pagbbreastfeed kung di kaya mamsh. there's a lot of ways to feed our child. kailangan mo din alagaan sarili mo. kung di mo siya mapa breastfeed, so what? does it make you less of a mom? NO. okay lang po yon. ikaw mas nakakaalam kung anong BEST for your baby. laban lang po. kaya yan 😊
my baby was fuzzy and crying all the time nung newborn pa sya. i did try everything to boost my milk supply like drinking milo, eating oats and other milk boosters, taking malunggay capsule but then nabasa ko na babies cry kasi they need your warmth, they need to hear your voice, smell your scent. sa loob kasi ng matres madilim at warm unlike dito sa labas maingay, nilalamig sila, may mga discomfort sila. kaya need sila iswaddle kasi super sensitive nila sa temperature changes. kung tayo naiinitan sila nilalamig. or kung nilalamig tau times 5 ung lamig na nararamdaman nila. if the baby cry ✔️ diaper, ✔️ gutom ✔️ kung naiitin sila sa bandang leeg or nilalamig sa bandang pisngi or cheeks, ✔️ kinakabag sila. minsan bored lang din sila. or di makatulog or maiingay..
Alternating ako between breastfeeding and pumping breastmilk for my baby. We're trying to increase latching ni baby para mag-increase din breastmilk ko. Fussy rin si baby sa gabi kaya pinagla-latch ko, pero pag lumampas na 4 hours from last feeding niya at ayaw pa rin niya maglatch, I feed her pumped breastmilk sa bottle. Wala rin tulog, and minsan isang bag of breastmilk na lang naiiwan kaya nagwoworry ako. I bought a can of formula, nakatabi lang in case kailanganin, although I'm hoping hindi ko magamit. Puro inom ko ng sabaw din, sisikapin na breastmilk lang si baby kahit hanggang 6 months. Kanya-kanyang preference naman yan, important is healthy si baby.
wag ka magworry if hnd mo na tlaga kaya feel free to use formula milk. Ako ang natutunan ko nung magkaanak is DONT ALWAYS LISTEN TO OTHER PEOPLE OPINION OR SH*T 🤣 Kasi kapag nakinig ka ng nakinig sknila wala you're losing ur self. Worst baka mabaliw ka pa. Gawin mo na lng kung anong tama. Ako kasi breastfeed sa eldest until shes'26months old. WFH pa ako nyan, cloth dieaper pa kami ang hirap tpos ang payat ko pa 🤣 nagka anxiety din ako dati na ayoko na magpadede kasi nakakapagod eh. As in napunta na lahat sa anak ko pero wala naman ako regrets sa hirap ko. Hindi lang tlaga para sa lahat ang breastfeeding. so dont feel guilty about it.
It doesnt make you less of a mom. Fed is best. I wanted to breastfeed my baby even just for 6 mos but I had to stop at 3 months because i had mastitis. It affected me mentally and emotionally kasi i really wanted my baby to be breastfed. But when i stopped thats when i realized na mas naaalalagaan ko siya because im not pressured to produce milk na. Whether formula or breastmilk, whats important is you take care of your baby and yourself. As long as the baby isnt getting sick and gaining weight, yun ang importante. Dont get pressured to what the people around you say. Take care of yourself too!
First time mom din ako and sobrang nafrustrate ako sa stage na yan. 1 month din akong puyat kakatry ibreastfeed si baby. Sinubukan ko pa ung magic 8 na sinasabi nila pero wala talaga. Nakakaiyak. Hanggang sa dugo na ung lumalabas sa nipple ko. Itinigil ko na lang. Ngayon mas ok na, mas nakakatulog na ko ng maayos. Mas naaalagaan ko na si baby ng maayos at tumaba na siya. Kapag puyat tayo at pagod mas umaatake ung anxiety satin at lumalala ang ppd. Ok lang yan mommy. Ang importante walang sakit si baby. Di man tayo makapagbigay ng liquid gold, inaalagaan naman natin sila ng sobra.
i felt that mommy, halos ako umiiyak na kapag hindi enough ang nakukuhang milk ni baby sakin yung stress at puyat at pagod ko halohalo na, parang dun na nga ako nagkappd. kahit asawa ko naaawa na sakin syempre kay baby din kasi sobrang fussy nya iyak ng iyak kasi nga gutom padin sya. hanggang sa nag mixed feed kami up until 4 mos sya, and nung nag 5 mos tuluyan na sya nagformula milk kasi ayaw na nya magdede sakin. mas okay na tulog nya and di na sya ganun kaiyakin. kaya its okay mommy, naranasan ko din ang ganyan, pero go lang ng go mommy 😍
ftm here. 1month and 15days palang si baby. hindi po talaga ganon kadali mag breastfeed. kailangan po talagang tyagaan lang po. every 2 to 3 hours po nagigising sila para dumede minsan isang oras lang nagigising sila lalo pag di po sila komportable sa higaan or kung di sila komportable sa surroundings nila. malaki po talaga magiging adjustment naten physically and mentally lalo na sa mga first time mom. ako nga halos gabe gabe ako umiiyak ng diko namamalayan. makakaya mo yan mi, ngayon lang yan
ako mix ginawa ko through bottle 4 hour my milk after 4 hours then formula and then after 2 mos Umunti na yun milk ko and i stop it nag continue na ko sa formula . formula or bf its both ok . if bf doesn't work for you then formula mas makaka affect pa sa baby ang stress mo kasi na fefeel nila yan so relax .
Winn