Hirap mag poop
Hello, ftm here. 6 weeks old na si baby girl ko. Pansin ko lang after nya mag breastfeed para agad siyang iire na hirap na hirap. Minsan patulog na sana siya pero nagigising kasi nga may parang gusto siyang ilabas. Regular naman pag poop nya and yellowish with mustard seed like yung poop nya na feeling ko ay normal naman. Pag naka poop siya or utot, kitang kita ginhawa sa mukha nya then makatulog na siya. Nabasa ko na normal lng ang ganito since hindi pa fully developed yung digestive organs nya. Pero gano po katagal bago nila malampasan ito? 😅 Thanks sa sasagot. 🤍



