HELP Signs of Autism @ 3 years old *LONG POST*

From 0-11 months normal naman ang development ng baby boy ko, nakatrack lahat ng milestones nya and okay naman lahat. Nagstart nung 1 year old sya, after ng 1st bday nya napansin ko na parang nadelay na sya specially sa speech. Hindi sya makapagsabi ng DEDE or MILK ang gnagawa nya is kukunin ang kamay ko at ilalagay sa lababo, nung una tinatawanan ko dahil akala ko tamad lang sya, pero tumagal ng ilang months ganun parin walang development, actually palala ng palala, kapag tinatawag ko sya by name hindi sya lumilingon,hindi rin sya marunong sumunod or umintindi ng instructions. Dinedma ko lang mga signs pero alam kong hindi normal. Nag 2 years old sya pero ganun parin wala pa din conversation, one time dinala ko sya sa pedia due to cough and fever, after ng check up, sinabihan ako pedia na ipa assess sya sa Pedia Neurodev dahil sabi nya may signs of autism nga ang baby boy ko. Sinabi ko sa hubby ko and hindi sya naniwala, sabi nya baka gusto lng daw ng referral fee nung Pedia. Pero habang tumatagal dumami na ang mga signs, as of now 3 years old na sya hindi parin sya nakikipagcoversate, though nakakabigkas naman sya, nkikipaglaro naman sya pero saglit lang at mas preferred nya na magisa, ang mga laruan nililinya nya, kapag may malakas na sounds or anything na ayaw o gusto nya marinig nagtatakip sya ng tenga. Sa eye contact wala naman ako problema, nkikipag eye contact naman sya saken sa tuwing hinaharap ko. Eto lang naobserve ko sakanya, at the age of 3 - magaling sya sa memorization, lahat ng nursery rhymes na pinakikinggan nya alam nya kantahin (tho bulol sya magsalita) - Magaling sya academically, lahat ng colors, shapes, alphabets narerecognize nya - He can recites colors in Spanish and Alphabets in Spanish and Russian - he can count 1-100 and 20 backwards - he knows how to do Alphabets using sign language - Marunong sya magbasa ng Abakada - Mahilig sya sa musical instruments lalo na Piano Feeling ko matalino sya pero ang problema hindi sya nag eengage sa conversation unlike ng mga normal kids at his age,ang iniisip namin baka nasobrahan sa Youtube? naguguluhan ako if may Autism ba talaga sya eh hindi naman delayed ung learning nya.. Gusto ko syang ipa assess pero 4k daw consulatation palang yun ? Sana may makasagot or baka meron jan na same case samen.. Salamat po ?

2 Replies

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles