My friend had an ultrasound around 2 weeks ago. Wala na daw heartbeat yung anak nya. 7months na sya na preggy. Last ultrasound nya was Jan 6 at may heartbeat pa si baby. Nagpasecond opinion pa sya sa ibang OB kasi ayaw nyang maniwala. Nag transvi daw sila at nnaconfirm na wala na talaga si baby. Pinainom daw sya ng pampahilab at inadvice na i-observe yung hilab. Inadvice daw na magpaadmit sya, hindi sya pumayag kasi hihintayin lang din daw na humilab yung tyan nya at walang ibang gagawin until mag-open yung cervix nya. Ganun po ba talaga mga mommy? I’m just worried kasi sabi sa result ng transvi, matagal ng walang heartbeat yung bata. At until now, nasa loob pa din yung bata. Hindi daw sya pwede na i-CS kasi lalo syang malalason. Normal din naman daw yung lab results nya at walang sign na nalalason sya. Ang sakin lang, hihintayin pa bang malason? Ganun po ba talaga mga mommies? Nag aalala kasi ako sa kanya. First time mommy din kasi ako at di ko naexperience yun kaya di ko alam ano iaadvice sa kanya.
Anonymous