3394 responses

never niya pako binigyan ng bulaklak kasi malalanta lang daw. pagkain nalang mapapakinabangan ko pa at mabubusog pa daw ako. well, I got his point. at never po siyang nagfail sa pagpapasaya sakin gamit ang pagkain. nabubusog po talaga ako 🤣. kahit nung nagbreak kmi, nililibre niya pa din ako ng foods at bumili pa siya ng handa para sa birthday ko. ngayon buntis nako, binibili niya lahat ng pangangailangan ko from foods, vitamins, milk and even clothes dahil nga wala nako trabaho. need magresign dahil stressful ang trabaho ko at nakakasama kay baby. Di siya romantic gaya ng tipikal na romantiko pero para sakin, ang responsableng lalaki ang pinakaimportanteng basehan ng pagiging sweet at romantiko. 😊😍
Magbasa paNung nanliligaw pa lang sya almost weekly may dumadating sa opisina na bouquet ng flowers. Minsan nga hinila na ng boss ko ung buhok ko kasi ang haba haba raw haha after nung sinagot ko sya halos monthly meron, bouquet talaga sya as in 1 dozen. Or minsan food. Every anniversary meron din. Pero after few years pinatigil ko na kasi may pinag iipunan na kami 😊 Ito sample ng mga pinapadala nya sakin noon. 😊 First monthsary, first Valentine's Day, first anniversary, wala lang trip lang, bati na tayo gift hahaha good ol days 😊
Magbasa pa
haahha. natatandaan ko nung 1st valentine's namin😂🤣 so late na kasi siya nakauwi from work since may okasyon ang bansa, kaloka as in late na siya naka out (unexpected daw ang dami ng tao sa work niya) pagdaan daw ng uwi niya wala na bukas at madatnan na mabilhan ng bulaklak ayun pumitas nalang sa kapit bahay🤣😂 tawang tawa ako na maiyak iyak kase mga bes naalala niya pala yung ganon😂
Magbasa paAlways🥰 Consistent si hubby magbigay ng bouquet at gifts kahit nung mag bf/gf pa lang kami kahit ngayong mag asawa na. Minsan kahit monthsary, bday and Vday specially anniv mag 10 years na kami never pumalya. Sabi ko nga minsan di naman need pero ang sabi nya hayaan ko lang daw sya kasi gusto nya yun ibigay sakin lalo sa special occasions namin.
Magbasa pa2 times. 1st ung nangliligaw pa cya. 2nd is ung araw na sinagot ko siya. After nun wala na hanggang ngaun na kinasal at mag asawa na kmi🤣🤣🤣 pru oks lang ika pa nya mabubulok lang daw mas prefer nya date at kain nlng kmi sa labas hahahaha
never nya ako binigyan Ng flowers 🌺,, kht nung nanlligaw plang cya at Hindi rin ako mhilig sa mga gifts , pariho kmi ugali bawat piso samin mhalaga ,,luto lng Ng food sa bahay ayos na..🙂
dati walang palya.. valentines, anniversary , birthday and mothers day!. pero simula nung pandemic nung valentines na yung huli. sabi ko wag na magtipid na lang. wala pa kasing pasok hanggang ngayon 😔
binigyan nya ako once lang pero nagalit ako sa knya kasi syang pera malalanta lang ang bulaklak 😂😂 sabi ko sa knya next time food nalang para di sayang 😂😂
Never s buong buhay ko. Sa 1st and 2nd ex ko never. Same s png 3rd ko never.. Ok lng nmn ksi mas gusto ko pagkain pero hndi rin nmn msma kung mbigyan.. Sweet kaya hahaha
Once lang. Sinabi ko kasi na di ko talaga gusto ng bulaklak baka masayang lang at malalanta din kalaunan. Mas okay na ang food. Nabusog pa kaming dalawa. 😅



