Hello po mga mamsh, ilang weeks na po kayo nong first checkup niyo?

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nung sep 2022 delayed ako for a week then pt fainted isang line so nagpa pt serum ako and transv negative. Then las Dec 2 days pa lang ako delayed nagtry ako pt positive eh di ako makapaniwala knabukasan pa pt serum agad and positive tapos direcho ako pacheck sa ob pero wala pa heartbeat kaya pinabalik ako after 2 weeks now 19weeks na po ako preggy.

Magbasa pa

Hi mamsh, ako ay 6W2D kaso super early and late conception kaya di sumakto sa size ni baby, aksidente lang kasi dapat ay magpapacheck up lang ako dahil di nako nagkamens ng march, spotting lang ng 1 day and laging masakit puson ko. Bumalik ako after higit 1 week. And then ang size ni baby ay 6W3D based siya haba niya. And may heartbeat na 💕

Magbasa pa

pag nalaman mong preggy kana punta ka na sa health center malapit sainyo para maresetahan ka ng vitamins and pag pwede kana magpa transv magrerequest sila mas okay gawin yun pag nasa 8weeks to 9weeks pero ako di na nagpatransv diretso pelvic na dahil di ako comfortable sa transv . if may pang OB naman sa ob ka na po dumiretso.

Magbasa pa
3y ago

Okay mii. Thankyou po sa info.🙏 Godbless po.😇

5 weeks nagpa trans V agad ako but pinabalik ako kasi hindi pa sya nakikita gestational sac palang but I'm currently 7wks pregnant nakita na sya with heartbeat kaso 98bmp nya. Kaya dinagdagan ni doc yung intake ng mga gamot ko. I suggest na mag research muna kung saang OB maganda bago pumunta sa iba.

Magbasa pa
3y ago

Hoping na pagbalik namin sa saturday okay na heartbeat nya🙏🏻

nung nalaman ko buntis ako nag pa check up agad ako niresetahan agad ako ng pampakabit lagi kasi ako na kukunan sa awa ng dios binig yan din kami ng malusog na baby mag 6month na ngayon bwan lagi rin inumin ang lahat ng vitamins sa pag bubuntis para kay baby para lumabas na healthy

4months na ako nung nagpa first check up ako. Busy kasi sa work at kailangang bumyahe kung sa hospital magpapa check up. Pero mas maganda kung sa health center o barangay clinic, malilibre ka pa sa vitamins. Pareho din lng naman gagawin kung sa hospital☺️

TapFluencer

Delayed ako ng 5 days, nagpa checkup na kami, based sa LMP ko sabi ni OB 4 weeks na pero di pa makita sa sonogram so nagsuggest sya ng TransV pag 7 weeks na ako, pero niresetahan na nya ko ng vitamins at 4 weeks ksi kita naman sa Sonogram ung bahay bata.

nong 2 weeks delayed na ako di agad ako nagpa check up...ni wait ko hanggang mag 8 weeks ako saka ko nagpa check up tas saktong na detect na yong heartbeat ni baby sa trans v ultz pagpa check up ko tas ni resetahan na rin vitamins.

5 weeks. Kaya need ko ulit magpa TVS kasi early pregnancy ako. Kaya sa next ultrasound ko dapat may development na si baby. Siguro after a month nlng ako magpapa TVS ulit para sure na month na talaga ako.

3 weeks or a day after magpositive PT ko, naresetahan agad ako prenatal vitamins and meds kaya 2nd checkup ko nung 5weeks ok na ok na si baby at nakita na agad siya with heartbeat.

3y ago

ung OB ko kasi sis inultrasound na ako tapos wala pa nakita kasi nga too early pa. kaya di ko maiwasan mag isip. binigyan ka na pampakapit nun 3 weeks sis?