pag ba formula gamit di k n ba matuturing na isang ina

first tym mom here , cs, 1 week n si baby .. wala tlga ko gatas nung nangnaak , inabot 4 days bago magka gatas maliit din nipple , so si baby pinanghingi namin donation breastmilk.. umaga gabi khit pagod ako at puyta , nag pupump ako , watm compress etc. then sa tym na nagkagatas n ko ayaw n tlga ni lo ko dumede sakin. sinubukan namin , kaso nangyayari iiyak lng sya ng iiyak at kakabagin , at naiiiba ang oras ng dede nya. naubusan n din kmi donation sonwe tried formula. okay maman kay baby. sobra disappointed lng. kasi si hubby. sya takbo dto doon ng breastmilk , binili pa ko balm for nipples ,manual pump, nipple molder etc. ewan depress lng ba ko. kasi parang pag magtitimpla formula , iba na muka ng asawa ko. anu po gaggwin eh anag anak namin ang may ayaw na .. hays. pag ba formula binigay mo .. hahayaan ko n sya magkasakit.. dahil hindi brestmilk un. eto nagpump p din ako then bigay ko kay lo ko. just sharing po ..

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Parehas tau mommy.. 3 days pa bago dumating milk ko.. D rin marami nung dumating.. Parang isang patak lang.. Yung baby nagbfoformula dahil umiiyak talaga xa pag pina pa dede ko sa akin.. Parang d xa satisfied. D rin xa gaano naka latch kasi flat ang areola ko.. Kaya tulad mo nag papump ko.. Halos 10 times a day.. 30 to 45 min ang session.. Ang hirap.. Nkaisip nanga ako na magpakamatay.. Kasi parqng ang kulang ko bilang ina. D ko mn lang ma provide ang pinaka natural at healthy na milk.. Iniisip ko bakit sa iba amg dali nila makapa dede. Bakit ako hindi. D ba ako karapat dapat maging ina??. Naawa nanga ako aa hubby ko kasi pag umiyak c bb na nagpapump ako xa yung tumatahan kang bb. Naka schedule kasi ang pagpapump ko.. Nabasa ko kasi. Impostante na naka schedule ang pagpapump para dumami ang gatas.. Hangang ngayun mag totwo months na c baby ko nag pa pump parin ako.. Marami na gatas ko kaso na nipple confuse na c bb.. Pro d ko na xa finoformula.. Yung pumped milk kona ang denedede nya.. Hangang ngayon pinapractice ko c baby maglatch sakin one to two times a day.. At d ako gumive up. Kaya mommy don't give up.. Ok lang talaga mag formula.. Thankful nga ako sa formula dahil d nagutom bb ko nong wala ako milk.. Tandaan mu d ka nagkulang bilang isang ina.. Aslong as healthy c bb at happy.. Enough na.. Kapit lang.. Wag ka din pastress napakalaki nang effect nyan sa milk supply mo..

Magbasa pa
4y ago

thank u mamsh , nakakagaan loob di lng ako ganto pinagdadaanan ... salamt sis.. oo tuloy lng. pump n lng muna ko. un lng maoffer ko kay baby... khit ilagay ko muna sa bote. pero practice ko pa din si baby ....tulad ng ginawa u ..

Hindi nman momsh .. Basta Ang common goal nman is mapabuti si baby. . . kinulang lang Po kayo sa gabay nung unang week niyo. na nipple confused si baby.. same Tayo sis CS. . 4th day lng my tumulo sa kin. d rin ganun kalaki nipple ko. nag katalo lng sa Dr. ko. ayaw nya tlga formula at super push sa pag papa latch.. pinasipsip ko n rin sa husband ko. pero wala talaga. bawal din mag formula.. d rin siya pumayag nung nakiusap ako n manghingi ako Ng breastmilk sa nicu. so no choice tlga ko.. kahit buong madaling araw ako nag hehele. wla tulugan hanggang 5am. start kami ng 10 or 11 pm iiyak n siya ska mag wawala. papa dedein ko n siya. kusa siyang bibitaw tapos iiyak ulit.. Ang hirap napapaiyak na lang ako kaka hele sa pasilio ng hospital, Pabalik balik ako na lng nasa daan😅 awang awa din ako Kay baby kaso gnun eh may process tlga... 3days kming ganun.. kaya gusto ko n rin mag formula. inassure lng Kmi ni doc na may nakukuhang breastmilk Basta may ihi at poops si baby.. Basta ok siya at d nanghihina. tiis lng daw Kasi adjustment period lng din ni baby kaya pwedeng naninibago pa. ano at ano pa man. Kung ano man ngyari tapos na po.. move forward na sis. d k rin nmn nag kulang, npapakain mo pa rin nmn si baby sa paraan n Alam mo. yun mahalaga.. regardless Kung formula or breastmilk pa.

Magbasa pa

ganun po ba baka kulang po sa assurance nga po .. nasa bahay na kasi kmi non, kinuha ko sya nicu sabay uwi na . may mga turok pa po kasi sya. nagaantibiotic.. . baka kulang lng sa nagpush na dr or assurance na makakpaglatch ng maayos di baby. binote ko n lng ung breast milk na nahihinhi ng mister ko. ewan ko sis emotional lng tlga kasi naoperahan pero walang arte arte dapat kelangan kumilos oara kay baby. tapos pagod na kakapump umaga til madali araw . nagtuturok pa gamot si baby. kaya nakkaawa na bago sya makadede ng maayos ay kelangan nya umiyak ng umiyak. tuloy kinakbag na at nagwawala na . hirap na pakalmahin. ilan oras may toyo. salamat sis ... ewan ko malalatch ko pa sya. kinausap ko n lng asawa ko.. salamat ng marami..

Magbasa pa

Ganyan din ako nung una mamsh, nanganak ako 37 weeks wala talaga tumutulo na gatas pero ang kaibahan supportive si hubby ko sya taga luto ng ulam na panay sinabawan. Tapos sabi alugin dede sa mejo mainit na tubig para magising nevres ng dede para lumabas gatas ayun effective po. ngayon sobra sobra na ang gatas na lumalabas sa akin

Magbasa pa
Super Mum

fed is best and your well- being is important too. 💙❤ pero if may plans pa din po kayong magbreastfeed, try nyo lang palatch si baby, baka po nipple confused sya. 😊 but whatever your decision will be, remember, you are enough. ❤❤❤

cs din ako momsh ,first 4 days wala din natulong gatas sakin , paguwi namin ng bahay binigyan ng formula ng byenan ko si lo dahil naaawa daw sya wala madede sakin pero nagpapa latch pa din ako saknya ngayon mag 2 months na kami madami na ako gatas .

VIP Member

Nakapagcreate ka ng human being at nailabas mo nang safe. Mommy ka. Don't let anybody else make you feel less. And hindi porket hindi mo kayang mag breastfeed eh failure ka. Ginawa mo at ginagawa mo naman lahat para kay baby.

4y ago

try nyu po yung drip drop method mommy baka sakaling makatulong para na mapa.bf mo si baby

VIP Member

ay graveh naman yang title mu sis.. pls pls pls dont ever underestimate your capacity, mron lang din tlga na late lumalabad yung gatas, basta pa latch ka lang kay baby at lalabas din yan.. patience is a virtue sabi nga.. heheh! 😊

Magbasa pa

1 word for me "Patience" I been there po pero pinasok ko lang sa isip ko na titiyagain ko. Kaya mo po yan!

VIP Member

Share ko lang din.

Post reply image
4y ago

salamat sis nakaka iyak naman ito... 😢😢kelangan ko tlga ng ganto words right now.. slaamat salamat!!