Overdue?
First timer po 3 OB po ang pinagpapacheck up ko.. 2hospital at isang lying in. Sa hospital overdue na po ako.. And based din sa regla ko 42weeks na ako.. Advise ng 2 OB sa hospital CS na ako.. pero ayoko sana maCS. Itong OB ko nman sa lying in 40weeks nadin ako.. At wala namang advise na ma CS ako.. Pero ayoko po kasi ma CS. First ko palang.. Ginawa ko na lahat para manganak na ako.. Uminom na ako ng primerose 2weeks n akong umiinom.. Pati pampahilab.. Nagpineapple din ako yung malalaki binibili ko.. Naka ilang bili na ako.. Di ko na alam gagawin.. Any advise? Salamat
Ako over due na sa due date ng ultrasound ,over due pa sa date na binigay ng ob base sa size ni baby pero hindi pa ako over due sa lmp ko...lahat din yan ginawa ko, pineapple, squats lakad, evening primrose, usap kay baby, PRAY...no sign of labor pa din ...as in wala akong naramdaman na kahit ano..kaso pumutok na panubigan ko ..at para sa safety ni baby na Ecs ako..ftm din ako pero okay na din yun ..kase super healthy naman paglabas ni baby 😊
Magbasa paUpdate ko lang po.. Na inormal ko po si baby.. Thru induced labor po ang ginawa sakin... Nagdecide na kami magpaCS that day no sign of labor parin nun pero nagtry parin na ma induced.. If ever di magwork emergency CS. Thanks god at nainormal ko po sya and safe kaming pareho.. Salamat po sa mga advise and concerns nyo god bless po sa inyo..
Magbasa pakung tama po yung binigay nyo na last menstruation nyo sa mga doctor na pinag Pa check upan nyo , mas mabuti po na sundin nyo yung advice nila mas worth it po na ma CS ka na healthy si baby kaysa naman ma CS kapa din pero mapahamak si baby agapan na lang po sis , take care 😊
Yung First Baby po ng hipag ko namatay while nasa loob pa kasi overdue na pero advice ng OB nya wait lang mag labor. Yung case nya pala is Di talaga sya naglalabor. Nagpalit sya ng OB sa 2nd baby nila, 38-39 weeks scheduled CS na sya. 3 na anak nila ngayon
40weeks ako sa 1st baby ko . pina ultrasound ako kasi wala sign ng labor & close pa din cervix ko. pag send ko sa ob ko ng ultrasound pina sched nya agad ako ng cs kasi stress na si baby naka poop na din sa loob. cord coil pa 2 kaya hndi sya maka baba .
Yes mommy. Sundin niyo na po sabi ng OB niyo. Mas alam po niya king anu ang mas safe para sa inyo ni baby. Since nasa 40 weeks and up narin po kayo delikado po kasi kapag nakapoop si baby or mag rapture po uterus ninyo. Delikado for both of you.
Kung ako SAYO mamsh mag pa cs kana. sundin mo nalang Yung ob na nagsabi sayo. baka overdue kana mas mahirap pag nag ka komplikasyon si baby. mahirap din pag nakapoop na sa loob Ng tyan mo at nakakain na Sya Ng poop nya. pray lang.
SAME SCENARIO memsh , Emergency CS talaga mangyayare kung wala ka tlagang signs ng labor ngayon ☺️ Pray lang po ang mabisang abiso sayo para sa baby mo kahit ayaw mo ma operahan gagawin mo ☺️
Siguro po momsh. Gawin nalang yung advice ng 2 OB na magpa CS ka na. I know it's hard, kaso kung ganyan na ang weeks mo, mas mataas ang chance na magkaroon pa ng complications si baby mo.
mamsh ako din ayoko macs bukod sa mahal ang bayad eh mas matagal ang healing, pero nung araw na nanganak ako tumaas bp ko, nagdecide agad kami ng lip ko na macs para sure na ok si baby