Hello first time mom here. Yung anak ko po 3 years old boy. Sweet sya, mabait kahit makulit. Actually ok naman sya noon na di nya nakakasalamuha mga pinsan nya e pero simula kasi nun nananakit na anak ko..at natututo na ng mali.. kasi lagi syang inaaway ng mga pinsan nya, lagi sya pinapaiyak kahit wala sya ginagawang mali saknila. Pinsan nyang 4 years old girl napaka maldita super spoiled din lahat nasusunod walang parents na nagbabantay lolo at lola lang. Siya palagi nang aaway sa anak ko araw araw po yan walang araw na hindi nya inaway. Sya po ang nauuna palagi. Natuto nadin sya lumaban sa mga pinsan nya ewan ko kung tinuruan. Pero one time narinig ko yung "bugbugin mo" sa pinsan nya. Nakakainis lang di kasi ako makaganti kasi bata e tas may mga pinsan din sya teens na pinapaiyak sya. Wala kasi magulang nila puro ang nag aasikaso lolo at lola na dapat pinagpapahinga na nila pero gnawa pa taga alaga. Di pa ksi tapos ang pinapagawa naming bahay kaya andto kami sa puder nila. Kahit gusto ko umalis e wala magawa sahod ng asawa ko maliit lng. Hirap po ng ganitong sitwasyon nasabi ko na sa mister ko ee tiis muna ako kasi wala pa. May kwarto po kami dito at madalas kami nasa kwarto lng para iwas away at gulo, minsan sisilip yung 4 year old sa kwarto namin at mang aasar lang pinapainggit laruan nya sa anak ko sama pa tumingin pag tinignan ko ng masama kasi talagang grabe pupuntahan sa kwarto para asarin lang? Naglalagas na buhok ko sa stress ko sa mga pamangkin nya. Grabe ugali kasi minsan gusto ko na sabunutan yung bata sa sobrang inis ko. Lahat kasi aagawin nya sa anak ko, madamot din sya sa laruan di naman ganon anak ko sakanya, sa pagkain madamot din, selosa din gusto nya sya lng yung apo, inggitera kung ano meron sa anak ko gusto nya meron sya, gaya gaya din sa ginagawa ng anak ko. Sunod nang sunod sa anak ko kung saan magpunta. Lagi din ako nakabantay kasi sobra yung bata nananakit. May bahay sila na sarili pero nagwowork kasi pareho ang magulang niya. Senior na po inlaws ko 65 at 70 na. Hindi na nila masyado naaasikaso yung bata. Inuutos nalang sa ampon ng nanay nung bata at sa mga apo na kasama namin sa bahay. Di ko rin po talaga maiwasan na mastress. Grabe na lagas ng buhok ko. Sana matulungan nyo ako pano ihandle ito at anong shampoo ang pwede sakin. Salamat po. #spoiled #firsttimemom