Tulungan niyo po ako. Lunod na lunod na po ako.

First time mom po ako. Wala akong trabaho, minimum wager ang asawa ko. Ako lang nag-aalaga ng anak namin kasi sakin lang siya sumasama at ayaw niya sa iba. Almost 2 years old na yung anak ko. Hindi pa siya nakakapagsalita, ni hindi mabanggit ang Mama at Papa unless iyak siya nang iyak. Hindi ko naman siya minamadali, pero may isang bagay na nakapatid ng pasensya ko. Lagi siyang nag-uuntog ng ulo kahit nanunuod lang siya at wala siyang nakikitang anumang makakatrigger nun. Araw araw ganun. Ke inaantok ke hindi, bigla biglang inuuntog ang ulo. Pero ngayon, parang blangko ang utak ko. Napalo ko siya, nakurot, at nasigawan. Kasi hindi ko na alam gagawin ko para ma-stop niya yun. Iuuntog pa din niya kahit pinapansin naman siya. Patawarin ako ng Diyos dahil nasaktan ko siya. Hindi ko alam kung mapapatawad ako ng anak ko isang araw kung malaman niya man ito. Sana po tulungan niyo ako kung ano pang pwede kong gawin para matigil niya yung ganun. Kasi ginawa ko naman po lahat ng posibleng solusyon pero parang kulang. Parang hindi sapat. Parang wala akong kwentang magulang.

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mommy habaan mo lang ang patience kay baby. mukhang may Autism siya. need talaga nya ng special care. mas maganda na madala sya sa developmental pedia para maassess sya. usually mommy need ng therapy ng bata kapag ganyan. also need mo din matuto mommy kung paano ang tamang approach sa batang may ganyang case. pamangkin ko ganyan din. naguuntog na ulo lagi. walang focus, hindi nakikipag eye contact tapos attracted sya sa mga bagay na umiikot kaya lahat ng stand fan at deskfan e tinanggal namin. lahat sa haus ginawa namin ceiling fan kase gusto nya hawakan ang fan kapag umiikot. May SPED naman ang government natin. so makakapag schooling ang bata ng walang mabigat na gastos. also maximize our government projects for childrens with this kind of problem. may pasyente kame ni singko walang binayaran sa ospital nung naoperahan ang special nila na anak. lahat sagot ng government. mag ask ka sa DSWD or sa barangay nyo kung san pwede makahingi ng tulong sa case ng anak nyo. Yung pamangkin ko walang wala din kame nun nung napansin namin na may problema sya kaya parang 4yrs old na sya nung napacheck namin.gagastusan mo lang talaga yung assessment ng developmental doctor. medyo mahal kase yun. kapag may result ka na nun pwede mo na ilapit yung case nya sa mga government offices para mabigyan ka ng help. 16yrs old na ang pamangkin ko ngayon. hirap pa din sya sa speech nya at paulit ulit pero nakakacatch naman na at nauutusan na. naiintindihan nya naman kame hirap lang sya iexpress ang sarili nya. pag ganun di namin sya minamadali hinahayaan namin sya. mababait ang malalambing ang mga batang yan basta matherapy sila. di din maluwag ang buhay namin nun kaya asa din kame sa government services. pagipunan nyo lang yung test niya kase yun ang mahal. Pero sa totoo lang maganda naman ang government services kase may speech therapy at occupational therapy din ang SPED school. Halos walang bayad ang school ng pamangkin ko. sa ngayon kaya na sya tustusan ng dadi nya. single father kase yun tinry nami. ipasok na sa private therapy session pero parang hindi makuha ng therapist nya ang mood nya kaya binalik na lang namin sya sa Public SPED school. atsaka mommy, swerte ang mga nagmamahal at nagaaruga sa mga special child. daddy nya from minimun wage earner na contractual ngayon nasa ibang bansa na. nagaantay lang macitizen para makuha nya na din ang anak nya. swerte ang mga bata na yan. Tiyaga lang mommy at pray lang di tayo pababayaan ni God.

Magbasa pa

Ganyan yun pamangkin ko, mag 3 year old na pero di mo siya makausap inuuntog niya din ulo bigla bigla kung san san kahit sa mga katawan namin. Nun pinacheck up ng ate ko may autism siya ang mahal nga lang ng session at therapy. Pero PWD na siya. Nakaka kanta siya nakaka saulo ng mga naririnig niya pero di mo siya makausap. Pray lang po and may mga free consultation nman kaso yung therapy at session need talaga pag ipunan kasi 2x every week sa pamangkin ko depende pa sa magiging evaluation sa kanya. Patience po mommy, ikalma mo muna sarili mo bago ka humarap sa baby mo. And always pray and smile.

Magbasa pa

Mommy ipa-check up mo sya sa pedia. Based kase sa kwento mo meron syang developmental problem. At 2yrs old dapat nkakapag-salita na sya. Di man diretso pero dapat may salita na. Pag-ipunan niyo ng Hubby mo pangpa-check up niya kase mukang need niya ng help,mas mahihirapan kase pag pinatagal niyo pa yan lalo na yang inuuntog niya ulo niya,it could be an aggression.

Magbasa pa
11mo ago

Nag-crowdsourcing po ako kung saan may libreng consultation, baka po kasi meron. Pero nasa isip ko na po ito na ipacheck siya sa developmental pedia kasi nagbabasa basa din po ako sa Google. Maraming salamat po sa sagot niyo, Mommy, malaking bagay po para sakin.

ipacheck nyo siya ng asawa mo kasi hindi solusyon ang pagpalo,pagkurot at pagsigaw sa bata para hindi na niya gawin yung pag untog sa ulo niya. better consult an expert, wag ka umasa sa Google dahil hindi lahat nang nababasa sa internet ay totoo. yes may problem kayo financially pero gawan nyo nang paraan para mapacheck up nyo si LO. magsave na lang kayo nang paonti-onti.

Magbasa pa

Hugs para saiyo mommy❤ minsan pag nauubos na tau nakakagawa tau ng bagay gaya neto. Praying na bigyan pa po kau ng mahabang pasensya parate. alam kong nakaka pagod minsan na ginawa mona lahat ng makakaya mo pero bakit parang kulang. kaya minsan yung galit at pagod nailalabas sa ibang bagay. mi, lagi mo lang isipin na kailangan ka ng LO mo💖. Pakatatag ka

Magbasa pa

better consult niyo po sa Pedia ang concern niyo Mi...isa pa may mali ata na lagi niya inuuntog ang ulo ng wlang reason..pray lang na bgyan kpa ng mahabang pasensya.. alam mo pag feeling mo galit ka at di makapgtimpi before mo siya pagbuhatan ng kamay,close your eyes then enhale exhale...para malabanan mo at mapagpasensyahan mo siya.

Magbasa pa

Mi, alam ko it can be very frustrating. Pero based sa sinasabi mo, mukhang need ipacheckup ni LO mo for possible autism. Alam ko gipit dahil sa situation, pero try nyo po iask kung may developmental pedia sa public hospital malapit senyo para macheck si LO hanggang maaga pa

TapFluencer

Hi miiii ... Better to consult dev.ped. meron namang mga mura kailangan mo lang talaga tyagain itry mo din ang gentle parenting. Kasi, walang ibang makakapag pasensya sakanya ikaw at ikaw pa din naman.

same case mi. turning 3 na ang baby ko iilan palang na words ang alam nya. Nakakabahala po sa ating mga nanay😔

paAssess nyo na po si lo nyo sa DevPed po .. di ka po nag-iisa mommy... may eye contact po ba Sya pag kinakausap?