Tulungan niyo po ako. Lunod na lunod na po ako.

First time mom po ako. Wala akong trabaho, minimum wager ang asawa ko. Ako lang nag-aalaga ng anak namin kasi sakin lang siya sumasama at ayaw niya sa iba. Almost 2 years old na yung anak ko. Hindi pa siya nakakapagsalita, ni hindi mabanggit ang Mama at Papa unless iyak siya nang iyak. Hindi ko naman siya minamadali, pero may isang bagay na nakapatid ng pasensya ko. Lagi siyang nag-uuntog ng ulo kahit nanunuod lang siya at wala siyang nakikitang anumang makakatrigger nun. Araw araw ganun. Ke inaantok ke hindi, bigla biglang inuuntog ang ulo. Pero ngayon, parang blangko ang utak ko. Napalo ko siya, nakurot, at nasigawan. Kasi hindi ko na alam gagawin ko para ma-stop niya yun. Iuuntog pa din niya kahit pinapansin naman siya. Patawarin ako ng Diyos dahil nasaktan ko siya. Hindi ko alam kung mapapatawad ako ng anak ko isang araw kung malaman niya man ito. Sana po tulungan niyo ako kung ano pang pwede kong gawin para matigil niya yung ganun. Kasi ginawa ko naman po lahat ng posibleng solusyon pero parang kulang. Parang hindi sapat. Parang wala akong kwentang magulang.

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

possible po na may autism anak niyo, pa check up niyo po o ipa monthly treatment niyo po mamsh if kaya.

Hindi na po mababago yan kasi may autism anak mo, consult mo nalang ng doctor para ma confirm

3y ago

paanong hindi mababago? habang lumalaki mag-uuntog pa din ganun ba? doctor ka ba at parang sigurado ka sa pinagsasabi mo?

ipacheck up mo mommy para madetect kung ano ang rason๐Ÿ™‚

May autism ata anak mo momsh, ganyan yung cousin ko

devped is the key..