HELP

First time mom here. Parang masisiraan na ako ng ulo. Di ko na kayang mag alaga ng newborn ko. Pagod na pagod na ako. Diko kaya araw araw ganito. Suicidal ang feeling.

48 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sis kelangan may nakakausap ka baka PPD yan, ako nun pagod na pagod dn ako puyat, padede, laba nung bumalik na c partner sa work.. pero para saken ang pagiging isang ina sa anak ndi dapat sukuan, ndi tayo dapat mapagod alagaan sila.. nakakawala ng pagod pag nakikita mo c baby na lumalaki na nasusubaybayan mo, nakakawala ng pagod ung pag ngiti nya.. ang ina kaya tiisin ang lahat para sa anak. Sis pray lang naway gabayan ka ni lord upang maging mabuting ina ke baby mo saka mag vitamins ka para di ka magkasakit.. kausapin mo c hubby mo bout sa nararamdaman mo kung pwd pagtulungan nyo mag alaga ke baby o kung andyan family mo patulong ka kahit panu. sis kaya mo yan! Ako napapagod physical kong katawan pero mas nananaig saken ung kagalakan at ung desire ko na alagaan anak ko sa abot ng aking makakaya. kaya mo yan sis!

Magbasa pa

mag hubad po kayo ng shirt and si baby din hubaran nyo ng pang itaas... kargahin mo lang... skin to skin para mas maging comportable sya... kung gusto mo matulog, ilagay mo lang sya sa may breast or tummy mo... wag mo pabayaan iyak ng iyak just because sabi nila baka ma spoiled... mas okay din kung mag b-breastfeed ka para hindi mo na kailangan pang mag timpla ng gatas sa madaling araw kung manghingi man sya... ilagay mo lang susu mo sa mouth nya and matulog ka mag side lying kayo... :) pwede din mag search ka how to swaddle para comfortable si baby... you'll be fine... all first time moms nakaranas nyan...

Magbasa pa

Pa check po kayo sa ob nyo baka post partum depression yan. Hindi po dapat ganyan ang nararamdaman ng bagong panganak. First time mother din po ako at single mom pa pero kailan man hindi ko nararamdaman na napagod ako sa pag-aalaga ng baby ko. She is 16 months now and i enjoy being with her. Laki lang pasalamat ko kasi nandyan ang mama ko at mga kapatid ko. Huwag po kayo mahiya humingi ng tulong. Sabihin mo nararamdaman mo sa partner mo o sa kapamilya mo. Mas mabuti pa check po kayo sa ob na mabigyan kayo ng advice kung ano dapat nyong gawin. Good luck po.

Magbasa pa

Enjoyin pag giging newborn niya kasi dmo namamalayan mabilis lng pag laki niya at mamimiss mo pagkababy niya...pag napapagod ka sabayan mo Pahinga niya kung dmo naman masabayan kumain ka ng healthy food nakakabawas din ng stress at syempre magpray ka lng at kausapin kantahan mo baby mo mararamdaman niya pagcare mo at tyak makikisama siya sayo,bsta naman walang nararamdamang sakit baby mo dyan iiyak o dkaya ay busog siya padidiin mo lng every 2hrs... Kaya mo yan....binigay yan sayo ng Dios kasi alam niyang karapatdapat ka maging nanay niyang anak mo...

Magbasa pa

Hi ur onnthe stage of post partum.. normal lng un gnyn after u gave birth. Mas mgnda tlg after manganak may katu katulong ka sa pag aalaga lalo na ftm ka.. call ur parents, siblings or lalo na c hubby mo. Sabhn mo un narramdamn mo or kung pwede magkron ka ng pahinga lets say 2 hours lng per day.. nkaka drain din tlg buong araw kaw mag aalaga sa baby mo... and kng may problem kman u nid someone to talk to. Sa famiky mo or hubby mo or kht dto sa asian parent... just keep on praying sis, lht nmn nagdaan sa ganyan kya malalagpasan mo din yan...

Magbasa pa
5y ago

Hayss sana all may 2hours break.

1st time mom here 😊Ganyan din ako nung 1st and 2nd months c baby sobrang napapagod ako,napupuyat at parang gusto na sumuko hindi pala tlga biro maging nanay, buti nalang at andyan ang parents ko para umalalay....narealize ko yung hirap at pagod din nila nung baby pa ko 😔 pero syempre dahil mommy na tayo kelangan natin kayanin , madami pa tayong pagdadaanan kaya fight lang ng fight 😊 wag susuko strong tayo mga mommy 💪😊

Magbasa pa

bat naman? anak mo yan ih.. sayo galing yan! dapat nga ienjoy mo eh kase ang cucute pa nila ,ako nga 20 weeks preggy palang pero nag iimagine na ko na pagkapanganak ko inaalagaan ko sya pinapadede at pinapatulog. kaya kahit sobrang stress sakin ng pagbubuntis ko oks lang kase nakafocus ako sa future paglabas nya sa tummy ko 😊😊 be positive lang po ,gawin mo dapat inspirasyon ang baby mo 😉

Magbasa pa

Naku po..dont dare to do dat...my anak u p na need ang aruga m..pgtumagal tn u will feel the true meaning of being a mother...just wanna ask if its ur unwanted child?wer s ur partner?..kc kng ang baby na to was a plan u cant feel and think dat way..kahit anung pagod at hirap happiness po ang mangingibabaw..sorry but i dont know ur story..but still try to accept and love ur situation..

Magbasa pa

same tayo subrang sakit na dn sa likod at braso kya mapapaiyak kna lng ,gusto ko na dn sumuko nun feeling ko ksi mag isa lng ako at wlang katulong sa pag aalaga kay baby khit andyn nmn hubby ko at mom nya balewla lng dn pero pinilit ko sarili ko gang ngayun kinakaya ko at kakayanin ko para kay baby iniiyak ko nlng ng patago lht ng pagod ko. MAY 2 turning 2mos na baby ko 😍

Magbasa pa

Kaya! Laban pa. Lahat tayo dumating sa puntong pagod na sa pag aalaga pag dimo na kaya you can ask for help at sabihin mo kahit konting tulog lang kasi mahirap naman po talaga ang pag aalaga ng newborn pero laht ng yan malalagpasan mo basta keep on fighting moms. Kaya yan! Kami nga kinaya ikaw paba? Pray kalang din pag sapalagay mo na susuko kana bibigyan ka ni lord ng lakas💪

Magbasa pa
5y ago

Isang buwan lang yan mommy💕 maoovercome mona laban kalang.